Achelois
"Where are we going?" Inip na sabi ko. Kanina pa kami naglalakad, looks like pinapalayo niya ako sa bahay.
"Somewhere..." Bakit ba ako sumama sa kanya? Kasi binablackmail ako ni daddy?
"Ayoko na. Kanina pa tayo naglalakad pagod na ako. Babalik na ako." Wala siyang nagawa kung hindi sundan ako pabalik.
Habang pabalik sa bahay ay nakaramdam ako na parang tinusok ang puso ko.
"What's wrong?" Sambit nito saka ako hinawakan sa braso. Mabilis ko itong inalis at sinamaan siya ng tingin.
"Pwede ba Apollo. Keep your hands off me." Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang matanaw ko na ang bahay namin.
Sa bawat yapak o bawat hakbang na gagawin ko ay pabigat nang pabigat ang paa ko. Parang ayaw akong papuntahin kung saan man ako paparoon. Parang pinipigilan ako nitong makarating sa bahay.
Nakarinig ako ng malakas na pagsigaw nang nasa tapat na ako ng gate. Nasa labas ang mga maids, halatang takot na takot habang nagkakandarapa sa pagsalansan ng basag na mga vase at plato. Ang sasakyan ni lolo ay nakaparada rin.
“Hello po, ano pong nangyayari? Andyan po ba sila lolo? Bakit po may sigawan?” tanong ko, nanginginig ang boses ko.
Napatingin silang lahat sa akin, para bang nakita nila ang kaluluwa sa gitna ng dilim. Mukha silang tinakasan ng dugo sa mukha. Agad akong hinila ni Lola Rosing papalayo, sinabihang huwag akong mabibigla.
“Nandiyan ang lolo mo, pati na rin ang mga magulang mo. Si Vinn ay nasa loob kasama ang magulang niya,” sabi niya, halatang nag-aalala.
“Ano pong nakakagulat doon? Tama lang naman pong pumunta sila rito para dalawin ako,” sagot ko, ngunit napabuntong-hininga lang siya, halatang hindi alam kung paano sasabihin ang totoong nangyayari.
“Nandiyan din sa loob si... Rhea.”
Parang huminto ang mundo ko. Nanuyo ang lalamunan ko, at pakiramdam ko’y nanlalamig ang mga kamay ko.
“Ho?” halos pabulong na tanong ko.
“Si Aster... kasama nila." Bago pa niya matapos ang sasabihin, mabilis akong tumakbo papasok sa bahay.
Magulo ang paligid, basag na mga vase, mga sirang plato, at ang hindi kaaya-ayang eksena sa gitna ng sala. Nakatayo si Aster sa gitna, basang-basa, nakatungo, nanginginig. Ang mga mata niya’y sumisigaw ng sakit at pagkabigo.
“DAD!” sigaw ko nang makita kong hawak ng tatay ko ang isang pitsel ng tubig, akmang ihahagis kay Aster.
Agad siyang tumingin sa akin, nanlilisik ang mga mata. “Andiyan na ang magaling niyong apo!” Tumawa siya, pero walang saya, parang isang kriminal na nalulong sa sarili niyang galit
“Lo! What is going on? Bakit basang-basa si Aster?!” galit na tanong ko habang papalapit sana kay Aster, pero hinampas ng lolo ko ang tungkod niya sa sahig.
“Stop where you are, Achelois.” Napahinto ako, napakunot ang noo, habang ang dibdib ko’y kumikirot sa nakikita ko.
“Lo?” tanong ko, umaasa ng paliwanag. Ngunit umiling ito.
“Is she your girlfriend?” Malamig ang tanong niya, ang bawat salita’y parang sibat na tumutusok sa akin.
Halos hindi ko magawang tumingin sa kanya. Hindi pa kami handa. Hindi pa tamang panahon. Pero ang katahimikan ko’y tila isang kasalanan.
“ACHELOIS!” Sigaw niya, halos yumanig sa buong bahay. “IS SHE YOUR GIRLFRIEND?!”
“Hindi po,” pabulong na sagot ni Aster. “Hindi niya po ako girlfriend.”
YOU ARE READING
Clouded Hearts
General FictionIf she ever met someone who's willing to give her the world that she deserves. Will she choose that person? A woman who knows her worth will not tolerate such disrespect and bare minimum efforts. Will she be that someone who knows what she deserves...
