Astraea
"Akala ko may date ka?" Bungad ni Ice habang nagsasampay ako.
"Busy daw si Gael. Himala ata at andito ka." Tumango lang siya at hindi na umimik pa.
After ko maisampay ang huling damit ay humarap na ako sa kanya.
"Anong problema mo?" I asked, nakatulala kasi siya.
"Wala naman, ikaw?" Pinanliitan ko siya ng mata pero wala talaga siya pake.
"Di nga? Ano problema?" Hindi ito sumagot. Hindi ko rin kasi sila nakausap kahapon dahil may duty nga.
"Nothing nga." Umiwas siya ng tingin kaya mas lalo akong nacurious.
"May nangyari ba kahapon habang wala ako? Sabay ba kayo pumasok ni Eryx?" Mabilis itong umiling kaya napataas na lang ako ng isang kilay.
"Oh? Bakit?"
"Alam mo ikaw, magparents duty ka na lang kaysa nagtatanong ka ng mga nonsense questions." Umirap siya sa'kin saka nauna sa bahay.
Gaga na to. May nangyari ata
"Hoy sandale! Bahay mo?! Bahay mo?!" Wala siyang pake nadaanan na nga niya si Sam di man lang naghi.
"Ate, ano problema ni ate Ice?"
"LQ sila si Eryx." Natawa ako ng pabalang na lumingon si Ice.
"Isa pa, rhea susungalngalin kita."
"Bakit? Hindi ba??" Agad akong nagtago sa likod ni Sam nang akmang lalapit na ito.
"Joke lang." Nagpeace ako rito pero middle finger lang ang ganti niya.
"Hi?" Napalingon kami sa nagsalita. Luh bat andito yan? After what Achelois said ay umayos na ulit ang mood niya. Kaya siguro siya andito.
"Walang pasok baka nakakalimutan mo. Aral na aral ka naman." Tinapik ko na si Sam para malaman niyang dapat na siyang umalis.
"Uhmm no...si Eryx kasi, labas daw tayo." Napataas ang kilay ko dahil nasa labas lang ng bakod si Eryx at hindi pumapasok.
"Bakit hindi siya magsabi niyan?" Masungit na sabat ni Ice
"Hoy pati nagmamalasakit na tao sinusungitan mo." Again nagroller coaster na naman ang mata nita.
"Ah gusto mo ba si Eryx magsabi sa'yo?" Tinawag nito si Eryx at padabog naman na pumasok yung isa.
"Bakit?"
"Oh san na siya?" Tumawa ako saka nginuso ang loob ng bahay.
"Busy ako Eryx." I said, kumunot naman ang noo niya.
"Alam ko, share mo lang?" Nabatukan siya ni Achi saka may binulong na hindi ko rinig.
"Tarantado kaya galit sa'yo si Ice eh."
"Oh bat galit siya sa'kin? Ano nanaman ginawa ko?" Nagkibit balikat ako. Nu malay ko sa LQ nila?
"Bat kaya di ka pumasok at tanungin mo? Messenger niyo ba ako? Saka kapag magaaway kayo wag niyo idamay nasa paligid niyo. Perwisyo." Sarkastikong sabi ko saka pumasok na ng bahay.
"Umalis na ba?" Bungad ni Ice, since di siya nakaharap sa pinto ay hindi niya kita ang pagpasok nila Eryx.
"Oo teh, pwede ka na rin umalis." Nagdahan dahang lumapit si Eryx saka tinakpan ang mata ni Ice.
"ANO BA RHEA?! NAKIKIPAGBIRUAN BA AKO?!" Napapangiwi kami kada matatamaan ng kamao ni Ice si Eryx. Sakit niyan, grabe pa naman bigat ng kamay ni Ice. RIP may yelo pa naman siguro kami.
YOU ARE READING
Clouded Hearts
General FictionIf she ever met someone who's willing to give her the world that she deserves. Will she choose that person? A woman who knows her worth will not tolerate such disrespect and bare minimum efforts. Will she be that someone who knows what she deserves...
