Astraea
I was busy cleaning the dishes when Achelois went to the kitchen. She's wearing her headphones and looks like she just got out of the gym.
It's been 8 months since we arrived here. She found a new hobby which is working out. She once invited me in there but I refused.
Too lazy to do what she's doing. Also, working out is not for me. If she asked me to jog I might come.
I gently put down the bowl and observed what she's doing. She didn't looked at my direction but she went to the fridge to get her drink.
When she noticed someone was eyeing her, her gaze landed at me, our eyes met.
She raised her brows, asking if I need something. I shrugged before going back to my chore.
Patapos na rin naman.
After I finished rinsing the dishes. I dried my hands before sitting in front of her. She's still wearing the headphone while scrolling in her feed.
Miss ko na cellphone ko.
Kamusta na kaya sila? Choice kong hindi hawakan ang cellphone ko. Pinigilan ko ang sarili kong mangamusta dahil masyado pang mahapdi noon. Nilibang ko ang sarili ko sa loob ng isang buwan. Hinahayaan lang ako ni Achelois kung anong gusto kong gawin.
Minsan ay inaaya ko ito, madalas ay hindi. Sobrang nagpapasalamat ako rito kapag natutupad ang mga gusto ko. Hindi naman sa kinukulit ko itong ibigay ang gusto ko, kusa niyang ibinibigay kahit nakatingin pa lang ako.
Kagaya nung isang araw, nagmall kami. Hindi naman sinasadyang mapatitig ako sa dress na nasa store pero ang siste binili niya ng hindi nagtatanong. Ayun hindi bumagay sa akin kaya binigay ko sa kanya. Paglabas niya ng fitting room ay saktong sakto at bagay na bagay sa kanya. In the end, ginastusan niya ang sarili niya. Nagalit pa siya kasi para raw sa akin yun tapos ibibigay ko sa kanya.
Tinitigan ko lang ang nasa harap ko. Minsan ay wala kaming ginagawa, nagtititigan tapos kapag nagtama ang mata ay tatawa. Ewan ko, alam ko namang komportable na ako sa kanya pero mas lalo ata akong naging komportable.
May mga pagkakataon na sa iisang kama na lang kami natutulog dahil nagmo-movie marathon kami. Magtatakutan, magiiyakan at sabay na tatawa. Para kaming baliw na magkasundo sa lahat ng bagay.
Minsan ay kasama namin si Melli, pero iba ang trip ng babaeng iyon. Akala ko ay titino na dahil sa mga babaeng pumupunta rito pero hindi, sige pa rin ang dala ng babae.
Ang gaganda pa naman nila. Parang mga modelo, maliliit ang mukha, matangkad at maganda walang tapon.
Nagagalit na nga si Achelois dahil andaming nageeskandalo pero tinatawanan lang nito. Kapag bar at inuman ang usapan ay siya ang number 1.
"May kailangan ka ba?" Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ito. Nakatanggal na ang headphones nito at nakababa na rin ang phone.
"Wala naman." Saad ko. Saka tumingin sa umilaw niyang phone.
"Eh bakit ka nakatingin sa akin?" Nabalik ang tingin ko sa kanya. Nagisip ako sandali saka ngumisi.
"Bawal ka bang tignan. We do it most of the time, right?" Nawi-wirduhan siyang tumingin sa akin.
Nang tumunog ang phone niya ay sabay kaming napatingin sa caller.
Ice calling...
Napako ako sa kinauupuan ko, nakita ko ring nagaalalang tumingin ito sa akin.
"Ayos ka lang?" Tanong nito, ngunit hindi ko maalis ang mata sa caller.
She grabbed her phone and ready to exit when I stopped her. She looked at me in confusion but I said that she could answer it here.
YOU ARE READING
Clouded Hearts
General FictionIf she ever met someone who's willing to give her the world that she deserves. Will she choose that person? A woman who knows her worth will not tolerate such disrespect and bare minimum efforts. Will she be that someone who knows what she deserves...
