Astraea
A week later...
The most awaited week had come. Sports fest had officially started. All students doesn't need to attend but for some professor they're encouraging most of the students to come. They have to do attendance for extra points. Outsiders were allowed, just for this week.
“Teh!” Nagulat ako nang biglang may humila sa akin mula sa gitna ng crowd. Opening pa lang ng event pero siksikan na agad ang mga tao. Paglingon ko, nakita kong si Jane pala iyon, palinga-linga, halatang may tinataguan.
Sinapok ko siya nang mahina sa braso. “Ano ba?!”
“Ano?!” sagot ko, kahit naiirita na sa gulo at ingay sa paligid. Naiwan na kasi ako nila Ice at Eryx dito.
"Kailangan ko kasi ng taga-ayos ng buhok," sabi niya. Para daw kapag lumabas na siya, lahat ng babae ay magsisigawan. Napailing ako. Tarantado talaga. At ayun, hinila pa si Ice para tulungan siya. Ako? Naiwan na lang sa gitna ng field, nagmumukhang ewan. Alam naman nilang ayoko sa maraming tao e.
“Can you cover me?” tanong ni Jane, hinihigpitan ang kapit sa braso ko.
Sinapok ko ulit ang ulo niya. “Ano nanaman ginawa mo?”
“Aray! Masakit na ha!” reklamo niya, pero binitiwan din niya ako agad.
“Grabe, parang ang sama-sama ko namang tao,” sabi niya, kunwaring offended habang hinahawakan ang nasapok kong braso. “OA mo naman.”
“Oo, OA ka nga.” Tumawa lang siya sa sagot ko, parang wala lang.
Bigla siyang ngumiti nang malaki at mas malapit pa siyang yumuko sa akin. “Tara, please... pretend na girlfriend kita.”
“Ano?!” aambahan ko sana siya ulit pero mabilis siyang umilag.
“Just for this day!” dagdag niya, nagmamakaawa.
“Gaga ka ba?!” bulong ko, sinisiguradong hindi kami naririnig ng ibang tao. “Alam mong nandito si Gael, di ba?”
“Gael would understand. I’ll explain it to him later. Please, tulungan mo na ako...” Napabuntong-hininga ako at napailing.
“Ikaw talaga. Fine, pero i-explain mo sa kanya ha? At bakit ba kailangan mo pang magpanggap?”
“Andyan kasi ‘yung cousin ko. She brought her girlfriend, tapos for sure pagtatawanan ako kung wala akong kasama. Alam mo naman sila, ang bilis ikwento sa buong family kapag may nakakahiya sa’kin, sa gathering pa.” sagot niya, obvious ang kaba sa boses niya.
“Sige na nga,” sabi ko, tumango ako para ipakita na pumapayag ako. “Pero ngayong araw lang, Jane, ha?”
Agad siyang kumapit sa braso ko, mas mahigpit pa sa kanina. “Come closer,” bulong niya.
Ginawa ko naman, kahit napapangiwi ako sa kahihiyan. Tahimik kong sinundan siya habang confident siyang naglalakad sa gitna ng maraming tao. Ako? Ang awkward!
“Chin up, breast out. Be confident. You are beautiful,” bulong niya habang nakangiti.
“Stop!” sabi ko, hinawakan ang pisngi kong biglang uminit.
“Hoy! Wag mong sabihing kinikilig ka?” biro niya, sabay tawa. Kaya naman hinampas ko ulit siya.
“Stop with those sweet words. It’s uncomfortable,” sabi ko, saka nagpatuloy sa paglalakad.
“Okay, okay! I won’t do it anymore,” sabi niya, pero ngumisi pa rin. “But seriously, you are beautiful, Rhea. You should be proud.”
Not as beautiful as others, though.
YOU ARE READING
Clouded Hearts
Ficción GeneralIf she ever met someone who's willing to give her the world that she deserves. Will she choose that person? A woman who knows her worth will not tolerate such disrespect and bare minimum efforts. Will she be that someone who knows what she deserves...
