Astraea
Hindi pa rin ako kinakausap nang maayos ng mga kaibigan ko. Birthday party na ni Gael mamaya pero hindi pa rin sila nagpapakita.
I kept calling them pero puro ring lang. Hindi ko tuloy alam ang isusuot. Nakahanda na lahat, ang sarili ko na lang ang hindi. Tinawagan na ako kanina ni Gael and he is really expecting me to be there.
Nagsettle siyang maglalakad mag-isa. Nagaway sila dahil don, pero wala na raw siyang pakealam.
Nabalik ako sa kasalukuyan nang may kumatok sa pinto. Ang gulo ng kama ko dahil sa mga nakakalat na damit. Jusko naman Astraea! Gamitin mo utak mo!
"Nandito si Ate Achelois, Ate." Narinig kong sabi ni Phoebe.
Gosh, she really is my saviour and my angel.
Agad kong binuksan ang pinto saka hinatak siya papasok. Napangiwi siya nang makita ang kalat sa buong kwarto ko.
"Nakipaggyera ka ba?" Napangiwi rin ako nang marealized na makalat nga.
"Sorry, nagpapanic na kasi ako eh. Hindi ko alam anong isusuot ko." Napakamot ako sa ulo ko saka kinuha ang mga damit na nagkalat sa sahig.
Hinawi ko rin ang ibang damit sa kama para may maupuan siya.
"I'll help you." She said saka kumuha ng mga damit na nasa kama.
"Dress?" Tumango ako. Kumuha siya ng mga dress saka nilagay sa harap ko, tinitignan ata niya kung babagay ba.
"If you want ng gown, I can lend you. Tara sa bahay?" Napatalon at napasigaw ako sa saya, saka ko siya dinamba ng yakap.
"Gosh! Thank you! You are really my fairy godmother." I kissed her cheeks sa sobrang saya ko. Gown hihi
Napalingon ako sa kanya nang tumikhim ako. Ay gago—
"Sorry, sorry, sorry." Umalis ako sa ibabaw niya saka pinulot ang mga damit na nakakalat at tinapon lahat sa kama ko.
"Let's go?" Lumabas ako ng kwarto na parang walang nangyari. Namumula ba siya? O ako yung namumula? Gago bakit ka nakaibabaw sa kanya? Tas hinalikan mo pa.
Lumabas din siya na parang wala lang saka inaya na akong umalis. Sadly, hindi makakapunta ang mga kapatid ko sa party. Sa after party na lang daw sila hahabol. May pasok kasi sila and hindi rin pinapayagan ang minor sa party ni Gael. Ewan ko ba
"Ate, pasalubong ah." Pahabol ni Phoebe.
"Mamaya pa ako pupunta." I said saka kinawit ang kamay sa braso niya.
Wala man ang mga kaibigan ko, may Achelois naman na handa akong tulungan. Nagtatampo pa rin siguro sila.
"Have you seen my friends?" Tumango siya.
"Nasa bahay." Napapadyak ako dahil sa sinabi niya.
"Di nila sinasagot tawag ko tapos nasa bahay niyo lang?" Pagmamaktol ko.
"Then why didn't you call me?" Ay oo nga, shunga.
"Hehe." Napailing na lang siya.
"Nagtatampo pa ba sila?" Umiling siya.
"Hindi nila kaya." Napangiti pa siya.
Nang makalabas sa labasan ay nakita ko si Vinn at Eryx na naguusap sa malaking bintana. Parehas silang nakasuit, naka navy suit si Eryx habang charcoal grey naman ang kay Vinn.
"Gwapo." Lumabas na lang ng kusa sa bibig ko.
"I suggest, wag mo na sabihin yan." She said saka iginaya ako papasok sa loob ng bahay.
YOU ARE READING
Clouded Hearts
Narrativa generaleIf she ever met someone who's willing to give her the world that she deserves. Will she choose that person? A woman who knows her worth will not tolerate such disrespect and bare minimum efforts. Will she be that someone who knows what she deserves...
