8: Broken hearted

2 0 0
                                    

Astraea

We're on our way na pauwi, napagdesisyunan naming sabay na kami pumunta ni Achelois.

"Lapag ko lang to sa bahay and then bili na rin tayo ng alcohol sa tindahan." I nod while texting Gael na pauwi na ako.

"Hey." Napunta ang tingin ko sa kanya ng tapikin niya ang tuhod ko.

"Huh?"

"I said lalapag ko muna to sa bahay tas bili tayo ng alak."

"Ah oo narinig ko." I said saka pinatay na ang cp. Nasa duty pa ata siya, walang seen or reply eh.

"Ito ang pera bili ka na, magpapalit lang ako." Inabot niya ang isang libo saka diretsong umuwi sa kanila.

Bumili na lang ako ng alam kong gusto ko. Ayoko kasi ng iniinom nila Eryx, minsan red horse. Masangsang kasi ang amoy. I know naman na alak is matapang talaga pero kasi iba talaga amoy hindi ko gusto.

Bumili ako ng hard drinks na alam kong magpapatumba sa kanila. Hindi ako heavy drinker, kapag alam kong hindi ko na kaya ay tumitigil ako unless may larong ginagawa dahil hindi ako makatanggi. Ayoko kasing matawag na kj.

Inantay ko lang siya sa may tindahan at ng makitang palabas na siya ay sinalubong ko na.

"Oh andami niyan ah. Yelo meron?" I nod syempre di mawawala yun.

"Magpapakawasted daw tayo eh."

Nang makita ang karaoke na sineset up ni Eryx ay napatakbo na lang ako.

"Omg meron nga!" I said excitedly

"Wag ka na kumanta rhea, jusq naman." Sinamaan ko ng tingin si Ice

"Bibihis lang ako." I said saka nilapag ang case ng alak.

Nagsuot lang ako ng oversized shirt saka shorts na hindi gaano maiksi.

"Phoebe sa puno lang kami ah." I said before leaving the house.

"Buksan na 'yan. Oh Eryx ikaw na mauna." Ice said saka binuksan na at nagsalin.

"Wala us pulutan?" I said

"Nagluto si Phoebe." Eryx said saka nginuso ang papalapit na kapatid ko.

"Aba may chef ka." Cool na tumango lang siya.

"Oh ikanta mo na 'yan Eryx." Binigay ni Ice ang mic kay Eryx. Bakit nga ba mahal kita ang kanta na pinili ni Ice kaya napatawa na lang ako.

"Gaga ka Ice ansama ng ugali mo." I said na tinawanan lang niya.

"Para kay Eryx na sawi!" We toast our glass together.

"Bakit nga ba mahal kita kahit na may mahal ka ng iba~" natawa kami dahil damang dama talaga niya yung kanta.

"Hoy gago!" Ice said laughing. Tumayo na kasi si Eryx saka nagsway sway na kahit hindi pa ito lasing.

"Aga mo naman malasing Eryx." Kantyaw ko pa.

"Yaan nyo yan. Di natin yan kilala." Ice added na inikutan lang ng mata ni Eryx.

"Kawawa naman siya." Umiiling na sabi ni Achi saka sumimsim sa baso niya.

"Ganyan talaga 'yan." I said, nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito.

"Wait ah." Lumayo muna ako sa lugar para malessen ang ingay.

"I'm here."

Bungad ni Gael.

"Nasa puno kami."

Clouded HeartsWhere stories live. Discover now