Prologue

28K 494 179
                                    

Hi, everyone! I've been an avid  fan of bl series, stories, and movies and it's always been a dream of mine to also write my own stories. And since Pride  month ngayon, I'd like to publish this story.

Maybe this story isn't your type of story or BL story but it would be nice if you will give it a try hehe.

Again, I'm not  a professional writer especially about BL stories but I just want to express my own thoughts and own version of BL story. I hope you enjoy this story hehe.

                   

               Don't forget to leave a comment and
               please vote this story. Kamsalamattt!!

                                                  <3

Cadence Kyle Perez

" Cade, ano? Puwede ka ba mamaya? "

In-on ko ang loud speaker ng phone ko at itinuloy ang pagtatali ng sintas ng sapatos ko. Umagang-umaga at nangungulit na itong si Paulo na gumimik. Palibhasa mga ulol na ulol sa alak at babae, hindi na makapag hintay.

" Aga ng phone call with chiks, ah? " natatawang puna ni Kris, ka-teammate ko.

Umiling ako at tumayo na, tapos nang mag tali ng sintas. In-off ko na rin ang loudspeaker. " Hindi, tropa 'to. Nag-aaya lang mambabae."

" Hanggang alas dos lang naman tayo ngayon, pumayag ka na, " natatawang ani nito bago nag simula sa practice routine namin.

"  Hoy, gago! Narinig ko iyon, ha? Nag-aaya lang akong gumimik, hindi mambabae. Imbento ka na naman. "

Ngumisi ako. Alam ko na ang karakas ng mga tropa ko simula sa kaniya hanggang kina Cedrix at Jacob. Mga pare-parehong ulol na ulol sa mga babae maging sa alak.

" Kapag gimik matik nang may kasamang pambababae, eh. Kayo pang mag to-tropa? " natatawa kong sagot.

Buti wala pa si coach, malaya pa akong maka usap itong gagong 'to. Ang aga kasi mag-aya, palibhasa sulit na sulit ang sem break kaya walang inaalala kung hindi ang gumimik habang ako... eto.

" Nagmamalinis ka na naman eh isa ka rin namang hayok sa babae," singhal nito mula sa kabilang linya.

" Magkaiba 'yong kusang nilalapitan ng mga babae sa nambababae, tanga! "

Totoo naman. Hindi naman ako kasing sabik nilang tatlo sa babae na palaging naghahanap ng makaka hook up kahit saan kami pumunta lalo sa gimikan. Hindi rin naman ako hayok sa alak gaya nila, talagang napapasama lang dahil magkakaibigan kami.

Hindi ko rin naman kasalanang kahit naka upo ako ay lapitin ako ng mga babae, hindi ba?

" Yabang mo, gago! Pasalamat ka wala ka sa harap ko nang masuntok ko 'yang ulo mong punong-puno ng hangin."

Ngumisi ako. " Aling ulo ba? " makahulugan kong tanong.

" Dugyot mo, gago! Ano nga? Sasama ka ba o sasama? Siyempre sasama ka."

" Bakit ka pa nag tanong kung may sarili ka pa lang sagot? Naneto. " natatawa kong sagot.

Narinig ko rin ang halakhak niya. " Wala lang, at least ininform lang kita. Sige na, mag practice ka na riyan. Pagbutihin mo nang mag champion naman tayo this season. "

" Ikaw na 'tong tumawag binigyan mo pa ako ng responsibilidad hayop ka! Sige na, sige na. Daanan niyo ko sa dorm, ah?  "

Pinatay ko na ang tawag bago pa ito magsalita. Alam kong hahaba na naman ang usapan namin dahil magrereklamo itong may sasakyan naman ako pero ang tamad-tamad kong mag maneho.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now