String 08

13K 380 132
                                    

Strings Not Too Attached 08

                                           ✧˚ ༘  ⋆。˚


Raven Verancia:

Morning :)


Chat ni Rave ang bumungad sa akin kinabukasan. May wifi kasi sa dorm at automatic na naka connect ang cellphone ko kaya nakaka received na agad ng messages and notifications.

Una ko pa namang tinitingnan sa umaga ay ang cellphone ko.

Kahit pikit-mata pa ay nag tipa na ako ng ire-reply rito.

Cadence Perez:

Good morning!

Kanina pang ala sais ang chat ni Rave. Hindi ko alam kung morning person lang ba talaga sya o kung talagang maaga ang pasok nya. Ngayon kasi ay alas diyes ang unang subject ko kaya alas otso na ako nagising.

Sa malapit na convenience store na lang ako mag a-agahan, hindi na rin muna ako sasabay kay Jacob. Kaya namang lakarin, hindi rin ganoon ka-init pa.

Hindi ko na inasahang mag re-reply pa si Rave dahil dalawang oras na rin ang lumipas sa chat niyang iyon pero babangon na sana ako nang makita kong typing na sya.

Labag man sa loob ko pero hinintay ko pa rin ang reply nya. Gustuhin ko mang mag asikaso na sa sarili ko pero heto ako at naka sandal sa sandalan ng kama ko habang taimtim na naghihintay ng reply ng kinginang 'to.

Hindi ko nga alam kung bakit kailangang hintayin ko pa syang mag reply. Pwede namang mamaya ko na lang tingnan.

Raven Verancia:

You woke up late, napuyat?

Late lang nagising napuyat na? Hindi ba pwedeng pagod lang at sinusulit ang panahon na pwede pang matulog?

Cadence Perez:

10 am pa ang pasok ko. Sinulit ko na ang oras na pwede pa akong maka tulog.

Raven Verancia:

Ako rin alas diyes pa.

Alas diyes din pala ang klase nya, bakit ang aga niya namang gumising? Baka nga morning person sya. Edi sya na ang masipag gumising.

Cadence Perez:

Share mo lang? HAHAHAHA

Raven Verancia:

Oo, kahit wala kang paki :(

Natawa ako. What's with the emoticon? Ang jejemon, ah? Napaka matampuhin? Sa laki ng katawan nya hindi ko inakalang ganito sya katanga para mag pabebe ng ganito.

Parang baliw pero... ang cute.

Cadence Perez:

Ang corny mo talaga. Btw, bakit ang aga mo nag message?

Raven Verancia:

Wala lang. Para ako unang bubungad sa umaga mo.

Halos mangiwi ako sa reply nya. Ganitong-ganito ka corny ang mga banat ko no'ng nanliligaw ako no'ng Senior High, eh. Ngayon nandidiri na lang talaga ako kung gaano ka-corny 'yon.

Ang lakas ng trip nitong si Rave, sa lahat ng pwedeng pag trip-an ako pa talaga ang gusto.

Cadence Perez:

Para kang gago, Rave. Kita nga tayo, pasapak lang AHAHAHA

Raven Verancia:

Tara. Gusto kita makita, eh.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now