String 36

14.3K 348 61
                                    

Strings Not Too Attached 36

                                       ✧˚ ༘  ⋆。˚

"Huwag kang kabahan, mahal. Siguradong makaka sundo mo silang lahat at tatanggapin na para nilang anak."

Nawala kahit paano ang kanina pang kaba sa akin habang nasa byahe pa lang kami papunta sa bahay nina Rave.

Dalawang linggo na rin ang lumipas simula noong naka sagutan ko si papa at wala na akong kahit na anong narinig mula sakaniya. Nagulat na lang ako nang magpatuloy pa rin siya sa pagbibigay ng buwanang allowance sa akin.

Kahit paano ayos na rin iyon sa akin na kahit financially, hindi niya tinatalikuran ang responsibilidad niya.

Hindi natuloy ang plano naming ipakilala ako sa parents ni Rave noong linggong umuwi kami sa Cavite dahil nagkaroon ng emergency sa School na kailangang asikasuhin lahat ng requirements para sa sem break.

At ngayon ang unang araw ng dalawang-linggong bakasyon namin.

Hindi mansyon ang bahay nina Rave pero itsurang pang mayaman. Tatlong palapag iyon at sobrang ganda ng interior design, siguro advantage na rin dahil Engineer ang Daddy niya.

Mula sa garahe ay maraming sasakyan ang naroon na siguradong pagmamay-ari ng iba pa nilang kamag-anak. Nataon kasing wedding anniversary ng parents niya kaya may handaan.

Nang makababa sa sasakyan ay inayos ko ang suot na simple baby blue short-sleeved shirt, faded jeans, at puting sneakers. Habang si Rave naman ay suot ang kaniyang gray polo shirt, black pants, at white sneakers.

Sobrang gwapo niya ngayon dahil bagong gupit din siya at kitang-kita na naman ang taper mullet hair niya na sobrang kaakit-akit para sa akin.

"Don't look at me like that, Cade. Baka imbes na sa garden area tayo dumiretso, e, dalhin kita sa kwarto ko."

Dahil nahulaan niya ang tingin na ipinukaw ko ay nag panggap akong nainis at umirap na lang sakaniya bago kumapit sa kaniyang kanang braso.

Ang tigas ng muscle. Sobrang batak.

Kinuha niya ang kamay kong nasa kaniyang braso at isinalikop iyon sa kaniyang mga daliri.

Sa init ng magkahawak naming mga kamay, tila tinutunaw nito unti-unti ang kaba sa akin hanggang sa tuluyan na iyong nawala.

Ayokong kabahan dahil sigurado akong kahit na anong mangyari ay mananatiling hawak ako ni Rave.

Pag pasok pa lang sa garden area ay hindi ka magkakamaling wedding anniversary ang pinuntahan mo simula sa kulay puting tema nito.

Naka hilera ang catering sa kanang bahagi malapit sa pool side at may mini stage sa gitna para sa married couple at maraming mga lamesa't-upuan na para sa mga bisita.

Kumpleto na yata ang bisita dahil puno na ang maraming mga lamesa rito. Nagulat pa ako nang makitang naroon din ang mga kaibigan niya.

"Sina Ishan, mahal!" sabay turo sa tumangong si Ishan at Tristan.

"I invited them, my parents knew about them being my friends so yeah, they got invited by my mom."

"Saan tayo? Sa table nila Tristan?"

Tumango sya. "But I'll introduce you to my family first."

Dumiretso kami sa loob ng kanilang bahay kung nasaan ang parents nya na sa tingin ko'y naghahanda na para sa kanilang wedding anniversary party.

Tama nga akong hindi lang sa labas ng kanilang bahay itsurang pang mayaman ang bahay nila dahil maging ang style ng loob ng bahay nila ay maganda.

Maayos na maayos na naka lagay sa lagayan ang mga kung ano-anong disenyo sa kanilang bahay.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now