String 28

14.5K 448 370
                                    

Strings Not Too Attached 28

                                          ✧˚ ༘  ⋆。˚

"Hindi pa ba tayo papasok sa loob?"

Mas humigpit ang hawak nito sa aking kamay. Kanina pa niya pinagmamasdan ang magka salikop naming mga daliri na para bang kapag nalingat siya sandali ay mawawala na iyon.

Ang sarap-sarap niyang pagmasdan.

"Mamaya na, hindi kita mahahawakan nang ganito sa loob, eh."

Alam ko kung anong ibig sabihin niya ngunit mas pinili ko pa ring mag tanong. "Bakit naman? Kinakahiya mo ako?"

"No way, Cade! Bakit kita ikakahiya? Kahit ipag sigawan ko pang gusto kita hindi ako magdadalawang isip gawin iyon, eh."

Uy, kinilig.

"Gano'n ka ka-proud?"

Hinalikan niya ang kamay kong hawak niya pa rin at itinaas sa ere. "Sobrang proud."

Tangina, sarap.

"Alam ba nila Tristan ang tungkol dito?"

Tumango sya. "Una pa lang sinabi ko na. Nirereto kasi nila ako sa ibang babae kaya kinailangan na kitang ipakilala sakanila."

"Noong unang kita natin sa bar doon sa Wild Night, alam na nila?"

"Doon ko sinabi, napansin kasi nilang tingin ako nang tingin."

Ngumuso ako. Ang hirap mag pigil ng ngiti kapag ganito ang sinasabi niya. Hindi na sya takot sabihin lahat ng nararamdaman niya, ibang-iba nitong mga nakaraang araw na wala akong makuhang sagot sakaniya.

"Huwag kang pa-cute," sita nya. "Baka hindi ako maka pigil at angkinin ko 'yan," sabay nguso.

Naramdaman ko ang pag init ng katawan ko lalo ang aking pisngi. Pakiramdam ko kaya ko nang tapatan ang kamatis at itlog na pula sa sobrang hiya.

Dati pangarap ko lang iyan tapos ngayon sinasabi na niya. Nakakahiya pala talaga.

Pero gawin mo na please.

"Ba't ka manghahalik, eh, hindi pa naman tayo?"

"Kaya nga hindi ko gagawin kasi manliligaw mo pa lang ako," sagot naman nya.

"Manliligaw kita?"

Ngumisi sya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Opo. Manliligaw mo na ako sa ayaw at sa gusto mo."

Sapilitan?

Nanatili pa kami roon. Umabot ata ng isang oras ang usapan namin, kasama na rin ang landian dahil sobrang clingy ni Rave. Hindi ko akalaing ganoon sya.

Pero ang sarap naman sa pakiramdam at matagal ko iyong pinangarap kaya kahit isang reklamo, walang manggagaling sa akin.

"Ano, pre? Na-flush ka ba sa banyo o tinangay ka ng hangin diyan sa pagpapa hangin mo? Ang tagal mo!"  si Jacob iyon.

Siguradong nagtataka na ang mga iyon dahil isang oras na akong wala. Sina Ishan naman, siguradong walang pagdududa iyon kahit bumalik kami nang magkasama.

" Pabalik na ako," iyon na ang isinagot ko bago patayin ang tawag.

"Balik na tayo sa loob."

"Gusto pa kitang kasama," parang batang umiling ito, ayaw nang bitawan ang kamay ko para bumalik sa loob.

Hindi naman sa kinahihiya ko ang mayroon kami. Tangina, ako pa ba ang mahihiya, eh si Rave na 'to oh? Ang manliligaw ko.

Kaya lang, hindi pa naman kami. Kahit gusto namin ang isa't-isa, gusto kong dumaan pa rin kami sa proseso dahil parehong bago sa amin ang lahat.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now