String 32

12.6K 333 111
                                    

Strings Not Too Attached 32

                                         ✧˚ ༘  ⋆。˚

Hindi ko alam kung paanong naka balik pa ako sa dug-out at nakapag paalam sa lahat. Wala naman silang sinabi sa akin at wala namang nagbago sa pakiki tungo nila.

Well, sana.

Sa rami ng nangyari ngayong araw, pagod na pagod na ako at gusto ko na lang matulog. Gusto kong takbuhan ang lahat at manatili sa lugar na mapayapa nang mag-isa.

Umuwi na rin sina Cedrix matapos kong sabihing ayos lang ako at kay Rave ako uuwi.

At naroon nga ang taong palaging naghihintay sa akin.

Naka tayo siya sa harap ng sasakyan niya. Marami ring mga tao ang kasabay kong naglalakad doon ngunit tila siya lang ang nakikita ko.

Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang maging iyakin ngunit mabilis namasa ang gilid ng aking mga mata habang papalapit nang papalapit sakaniya.

May dala siyang kumpol ng pulang rosas at naka ngiting naghihintay sa akin.

Itinaas niya ang magkabilang braso na para bang alam na alam niyang kailangang-kailangan ko iyon.

Tinakbo ko ang pagitan ng distansya naming dalawa at mahigpit na yumakap sakaniya. Wala na akong pakialam kung maraming tao ngayon at may masabi sila.

Fuck their judgements.

Sino ba sila para mang husga? Hindi naman sila hukuman para husgahan kami at ang relasyon na mayroon kami. At wala nino man ang may karapatang husgahan ang kahit na sino.

Ano naman kung bading nga? Ano naman kung ang gusto namin ay kaparehong kasarian? Maaapektuhan ba no'n ang buhay nila? Mababago ba no'n ang kalagayan ng bansa?

Bakit hindi nila problemahin ang bulok na sistema ng Pilipinas at iyon ang una nilang punahin?

Dahil sa yakap ni Rave, sunod-sunod nang kumawala nang tuluyan ang kanina ko pang pinipigilang luha.

"Shhh! I'm here and I'm so proud of you," inangat nito ang ulo ko at pilit akong itiningala sa kaniya. Mukhang alam na rin niya ang nangyari. "Mahal kita, Cadence, mahal na mahal. No one can stop me from loving you."

Mas lalo kong ibinaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Paulit-ulit kong itinatak sa puso't-isip ko na walang kahit na sino rin ang makakapag pabago sa isip kong piliin nang paulit-ulit ang lalaking ito.

Tahimik kaming nakarating sa kaniyang unit, hindi rin siya humirit ng kung ano-anong kalimitan niyang pang-aasar sa akin.

Hindi rin siya nagsasalita, marahil tinitimbang kung gusto ko bang pag-usapan ang lahat o hindi.

Masyado pang maaga, hindi rin ako inaantok at gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong pag-usapan namin.

"Alam na ng parents mo?" iyon ang unang tinanong ko.

Humigpit ang hawak niya sa bewang ko. Narito kami ngayon sa balkonahe ng kaniyang unit habang nasa kandungan niya at naka yakap ang braso sa aking bewang.

Tumango sya. "Sinabi ko noong senior high."

Gulat akong nilingon sya.

"Ganoon na nila katagal alam?"

"Oo, mahal. Wala namang dahilan para itago ka. Gusto ka na nga nilang i-meet agad kaso paano kita ipapakilala kung hindi pa tayo nagkikita ulit at wala ring kasiguraduhan kung gugustuhin mo rin ba ako."

Walang imposible sa taong pursigidong nagmamahal.

"Hindi sila nagalit?"

"They accepted me and love me the way they love me even before I came out," isang beses syang humalik sa braso ko. "And I'm sure they'll love you the same."

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now