String 31

15.2K 322 134
                                    

              Happy 15k reads! Ang saya ng puso ko.
           Thank you sa walang sawang suporta hehe😚

Strings Not Too Attached 31

                                           ✧˚ ༘ ⋆。˚

"Ced.."

Sumilay ang natural at sinserong ngiti nya. "Una na ako, Cade, Rave!" sabay kaway at tinalikuran na kami.

Nagkatinginan kami ni Rave, parehong hindi alam kung anong ibig sabihin ng ngiti at inaktong iyon ni Cedrix.

"Should we talk to him?"

Masaya ako na palaging isinasama ni Rave ang sarili nya sa mga bagay na may kinalaman sa akin gaya na lang kung may problema ba kami. Kahit ako lang naman ang may problema, isinasama nya ang sarili niya at sinusubukang iparamdam na mayroon akong siya.

"Ako na lang muna, ayoko siyang mas mabigla kung sabay agad natin siyang kakausapin."

"Ayos ka lang?"

"Magiging maayos ako, Rave."

Nauna akong mag lakad sakaniya at tinakbo ang naglalakad na rin na si Cedrix.

Wala pa masyadong estudyante ngayon dahil alas otso pa lang naman at walang klase kaya kadalasan bago mag alas diyes pa nagpapasukan ang mga estudyante para sa booth na naka assign sakanila.

Mukhang naramdaman nito ang pag sabay ko sakanya nang magsalita sya.

"Bakit ang aga mo?"

Kaswal lang iyon. Walang bago sa tono nito pati sa kaniyang kilos kahit sigurado akong nakita niya kung paano ako yakapin at halikan ni Rave kanina sa parking lot.

"Ced, 'yung nakita mo-"

Huminto sya at ngumiti sa akin, iyong ngiting sinisiguradong hindi ko kailangan mangamba dahil naiintindihan niya ang nakita.

"Kahit hindi mo sabihin, ramdam ko. Alam ko na ring mayroon na pero hindi ko lang nahuluang si Rave. Pero ayos lang, hindi mo kailangang magpaliwanag."

Alam kong maswerte ako sakanilang tatlo sa ibang bagay pero ngayon ko napatunayan na talagang tama ako ng mga taong pinakisamahan at pinagkatiwalaan.

Alam kong sinabi niyang hindi ko kailangang magpaliwanag dahil tama siya, I don't owe anyone an explanation about my relationship with Rave.

But I want him to know. They deserve to know.

"Kami na," panimula ko.

"Buti naman. Hindi ka dapat nagpapa halik at nagpapa yakap nang walang label, Cadence Kyle."

Bakit biglang naging Kuya ang atake ng tsinoy na 'to? Kung alam niya lang, muntik na akong bumigay nang hindi pa kami.

At ako rin ang unang humalik.

"Anong naramdaman mo sa nakita mo?"

Umupo kami sa loob ng lounge, wala pang tao roon. Kahit sina Jacob at Paulo ay wala, siguradong mamaya pa iyon.

"Nagulat at namangha," sagot niya.

"Bakit?"

"Honestly napansin ko na talaga kayong dalawa pero dinededma ko kasi buhay mo 'yan, ayokong manghimasok pero noong nakita ko kanina, siyempre nagulat pa rin," sagot nya. "Pero namamangha rin kasi hindi ka natakot hanapin at panindigan 'yung pagmamahal na gusto mo."

Naniniwala ako na may iba-ibang klase ng pagmamahal na masarap sa pakidamdam. Iyong galing sa pamilya, sa espesyal na tao, at sa kaibigan.

Sa ngayon, masaya akong bukod kay Rave, mayroon pa akong mga taong handa rin akong tanggapin at mahalin sa kabila ng pagbabago at kalayaan ko.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now