Strings Not Too Attached 12
✧˚ ༘ ⋆。˚"May bisita ka sa sala, Cade," imporma ni Juds, sumilip lang sa kwarto.
Huh? Bisita? Kakatapos lang ng morning training namin, mamaya pang alas kwatro ang afternoon training. Alas dose pa lang ng tanghali.
"Ah, sige. Lalabas ako, thanks, Juds!"
Wala pa ang ibang teammate ko. Mga may pinuntahan dahil mahaba-haba ang free time namin, siguro mamaya pa sila babalik bago mag alas kwatro.
Ako, balak ko lang matulog at mag cellphone. Wala namang nabanggit si Rave na kailangan namin magkita. Hindi ko alam kung bakit hindi na rin nangulit makipagkita, chat nga lang nang chat.
Lumabas ako at nagulat sa presensiya ng kung sinong bisita ko. Si Jacob.
Nakita kong pagala-gala ang tingin nito na akala mo'y may hinahanap sa dorm namin. Bakit kung maka silip naman ito, parang hindi ako ang ipinunta rito?
"Hoy! Andito na ako. Anong sinisilip-silip mo riyan?"
Lumingon ito sabay hilaw na ngumiti sa akin. Alam niyang nahuli ko siya, eh. "Hinahanap kita, tanga! Ang tagal mo lumabas."
"Talaga lang, ah? Atsaka anong ang tagal lumabas? Wala ka pa yatang limang minutong naka upo riyan."
Kumunot na ang noo niya. "Ang sungit mo, pre, ang aga-aga. Ganiyan ba kapag may dalaw?"
Alam kong iyong buwanang dalaw ng mga babae ang tinutukoy niya pero gusto ko siyang asarin kaya niliteral ko. "Ikaw ba naman ang dalaw ko, kahit sino masisira ang araw."
"Gago ka, ah?"
"Hoy! Bawal mag mura rito."
Siyempre joke lang 'yon. Kung bawal ay paniguradong may sarili na akong dorm. Si Jacob naman, paniwalang-paniwala at tinakpan pa ang bibig. Parang bata, tawang-tawa tuloy ako.
"Tangina! Ang bilis mong maniwala, pre, madali kang ma i-scam niyan," saka umalingawngaw ang tawa ko sa sala.
Sinamaan ako nito ng tingin dahil naisahan ko na naman siya. "Bilisan mong maligo, punta tayo ng school."
Luh? Walang klase, ah?
"Ano namang gagawin natin do'n? Huwag ako abalahin mo, pre. Inabala niyo na nga ako sa gulong ginawa ninyo, eh."
Dahil nga sa gulong ginawa niyo, mapipilitan akong kausapin ng personal itong si Rave. Kapag talaga ako namatay sa heart attack, mumultuhin ko silang lahat.
Speaking of, may chat iyon pero goodmorning lang. Bukod doon, wala na. Not that I'm expecting pero sa araw-araw na ginawa ng may likha, araw-araw rin kung mang trip iyon. Maya-maya kung mag chat.
Baka busy.
Saan naman? Eh, anong paki ko? Siyempre wala.
"On the way na rin 'yung dalawa sa school. Kakausapin daw kasi kami ni Dean, may importanteng sasabihin. May mga pag-uusapan na rin."
Oh. Baka kaya walang paramdam 'yung isa dahil aalis pala. "Bakit kasama ako?"
"Kailangan namin ng taga-awat. Atsaka baka mang hingi ng update sa plano si Dean, kayo no'ng Rave ang nag-uusap, 'di ba?"
Gago! Update? Wala nga kaming napag-usapan kagabi ni Rave. Hindi ko nga rin alam kung para saan ang pagkikita namin kagabi dahil wala man lang kaming napag-usapang plano.
Para lang kaming aso't-pusa na nagbabangayan doon habang ginagamot ko ang sugat niya. Kwentuhan ng kung ano-ano, sabay wala na dahil alas onse na rin at may curfew pa ako.
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached (COMPLETED)
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1