String 11

7.3K 253 69
                                    

String Not Too Attached 11

                                           ✧˚ ༘ ⋆。˚

" Ano, Cade, may hinihintay ka ba? "

" Uh, oo, kaibigan."

Nakita ko agad ang ngising parang aso ni Theo. Wala talagang palya ang pagiging ma-issue ng taong 'to. Lahat na lang. " Kaibigan ba talaga?"

" Kaibigan nga, para ka na namang baliw! "

" Sige, sabi mo, eh. "

Binato ko ito ng plastic ng straw na hawak ko. " Talaga, bumalik ka na nga sa loob."

" Bilisan mo lang makipag-usap sa kaibigan mo, ah? May training pa tayo, " talagang in-emphasize niya ang salitang kaibigan.

Umiling lang ako bago tuluyang lumabas, bitbit pa ang zest-o na binili ko kanina. Uhaw na uhaw kasi ako nang dumiretso sa practice kaya bumili ng inumin, wala namang stock na malamig na tubig or anything bukod sa zest-o kaya ito na ang binili ko.

Kaya lang, hindi ko rin naman nainom dahil naalala kong may water station nga pala sa school, may dispenser din doon kaya iyon na ang inilagay ko sa tumbler ko, ngayon ko na lang din naalalang may zest-o pa pala ako.

Gusto ko sanang i-chat si Rave kung nasaan na ba siya pero may kung anong pumipigil sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit. Hindi rin ako nag reply sakanya kanina nang sinabi niyang mag-usap kami ngayon, tinanguan ko lang siya no'n.

Nag chat nama siya ulit kaninang alas otso na tuloy ang usap namin. Mga alas nuwebe raw siya pupunta, pwede rin daw siyang mag hintay hanggang matapos ang training namin.

Kahit may kaba at pagtatanong kung bakit hindi sya naiinip na hintayin ako kung puwede naman naming pag-usapan na lang bukas ay binalewala ko na.

Naputol ang pag-iisip ko nang makarating sa parking ngunit walang tao roon. Malinis ang parking bukod sa van ng team namin na naka parada roon. Hindi rin ganoon katanaw ang guard ng school dahil medyo malayo na 'yon.

Mabuti na lang at may mga ilaw ng poste roon kahit ganitong oras kaya kahit paano, nababawasan no'n ang takot ko kahit mag-isa lang ako.

Malamig ang simoy ng hangin, marami rin kasing naka palibot na mga puno rito kaya siguro gano'n.

" Kapag hindi ka pumunta, hindi talaga kita papansinin. Bahala kayong umasikaso ng gulong ginawa niyo! " bulong ko sa sarili habang sinisipa ang mga malilit na bato na makita ko.

Halos sampung minuto akong naghintay nang nagpasiyang bumalik na sa gym, mahaba pa naman ang break time pero mas magkaka dengue pa ako rito sa rami ng lamok kaysa sa mga asar doon ng mga teammate ko.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad sa corridor pabalik sa gym nang marinig ang tatlong sunod-sunod na busina ng sasakyan.

Kumalabog ang dibdib ko.

Hayan na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko, nagsisimula na naman ang session nila sa kalamnan ko. Naka remix na naman ata ang sayaw nila, para akong na c-cr sa sobrang kaba.

Wala namang darating dito bukod sakaniya 'di ba? Kami lang naman ata ang may usapan ng ganitong oras?

Naririnig ko pa rin ang makina ng sasakyan nang sumunod kong marinig ang pag bukas at pag sara ng pinto nito. " Cadence! "

Tangina talaga oh!

Tinawag pa lang ako sa pangalan pero parang sinisilaban ang pakiramdam ko. Hindi na talaga tama 'to. Kailangan ko nang malaman kung ano ba talaga ito.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now