String 26

11.9K 366 149
                                    

Strings Not Too Attached 26

           
                               ✧˚ ༘  ⋆。˚

"Busy nga ako."

Kailangan kong panindigan ang pagiging busy ko dahil talagang marami naman akong ginagawa.

Kaya ko naman siyang isingit kahit anong busy ko. Sabi nga nila, kapag mahal mo, gawan mo ng paraan para makasama mo.

Pero sa lagay namin ngayon, pinili kong huwag na siyang isingit sa oras ko. Gusto ko nang mag move-on nang hindi umaamin, wala na rin naman kasing saysay ang pag amin.

At uumpisahan ko sa pag-iwas.

"Busy talking with your girl?"

"My girl?" tanong ko.

Binigyan nya ako ng hindi makapaniwalang mukha roon.

"The cheerleader. May sarili ka pa lang tiga-cheer tuwing may laro ka."

Pero mas gusto ko kung ikaw ang mag chi-cheer kaso imposible na.

At ano ba 'tong pinagsasabi nya? Bakit tunog nagseselos naman ang tono niya ngayon? Inaano ba sya ni Angelic?

"May sarili naman talagang tiga-cheer ang team namin, anong sinasabi mo riyan?"

Inirapan ako? Seryoso, anong problema nya? Kung magka-away sila ng girlfriend niya o ng kung sinong babae nya, huwag mainit ang ulo nya at huwag mandamay ng iba.

"Ano? Kayo na?"

"Nino?"

"Magtatanong ako tapos magtatanong ka rin pabalik. Bakit hindi mo na lang ako sagutin?"

"Bakit? Nanliligaw ka ba? Ba't kita sasagutin?"

Gago.

Nasa isip ko lang 'yon. Hindi ko naman akalaing talagang masasabi ko. Baka sabihin nya paano naman nasali sa usapan ang panliligaw.

"Bakit? Kung manliligaw ako, sasagutin mo ba ako? Huh, Cadence?"

Ang seryoso ng mukha nya. Ang boses nya ay seryoso ngunit kalmado.

Kung hindi ko lang nakitang may kayakap siyang iba, baka maniwala ako. Baka sakaling kiligin pa ako at sakyan ang biro niyang ito.

Madali lang para sakanya ang mag biro ng mga ganitong bagay dahil straight sya at wala naman siyang nararamdaman para sa'kin kaya ang mga ganitong usapin ay madali para sakaniya.

Ngunit para sa katulad kong gustong-gusto sya at nangangarap na sana totoo na lang. Sana totoo na lang na nanliligaw nga sya, sobrang hirap.

"Hindi rin, Rave. Hindi rin kita sasagutin."

Kasi alam kong hindi naman matutuloy.

Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako nang makita ang dumaang sakit sa kaniyang mga mata pero binalewala ko iyon.

Natuto na ako na huwag magpadala sa guni-guni ko. Baka nag i-imagine na lang ako sa mga nakikita ko at sa huli, eh, umasa na naman ako.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong nya, halatang hindi titigil hangga't hindi nya naitatanong ang bagay na 'yon.

"Bakit kita iiwasan?"

"Are you mad?"

"Bakit ako magagalit?"

Napa sabunot sya sa kaniyang buhok, humahaba na iyon. Kumakapal na at hindi na gaanong nakikita ang mullet niyang gupit. Isa pa naman iyon sa gustong-gusto ko sa buhok nya.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now