String 35

12.8K 364 83
                                    

Strings Not Too Attached 35

Trigger Warning: Some words might not be appropriate for some readers and might trigger a trauma.

                          You have been warned


                                          ✧˚ ༘  ⋆。˚

Kinabukasan ay napag pasiyahan kong umuwi na lang muna kila nanay at kausapin ang tatay ko kaysa pumunta kina Rave.

Hindi ko sinabi sakaniya kung anong kutob ko at kung paano magsalita si papa sa kabilang linya dahil ayaw kong mag-alala siya.

"Ayos ka lang?"

Pinilit kong ngumiti lalo pa nang makita ko ang sasakyan ni papa sa tapat ng bahay namin.

Narito talaga sya at umaga pa lang ay naghihintay na para sa akin.

Hapon na ngayon dahil mas pinili kong makapag bebe time kami ni Rave. Gusto ko munang maramdamang may nagmamahal sa akin bago ko maramdaman ang pag talikod sa akin ng tatay ko.

Hindi ko pa man sigurado ngunit sa kung paano nito banggitin ang salitang kabaklaan na para bang isa itong malaking pagkakamali ay tanggap ko na kung ano ang daratnan ko ngayon.

"Aaminin ko na sa pamilya ko ang tungkol sa atin, ipapakilala na rin kita sakanila," sabi ko.

Nakita ko kung paano umawang ang labi niya sa gulat at kung paano napalitan ng sigla ang nagaalala niyang mga mata.

"Talaga, mahal?"

Ano ba naman 'to, bakit ako naiiyak na makitang excited na excited siya sa narinig? Ganoon niya ba ka-gustong makilala ang pamilya ko?

"Oo."

Walang sabing yumakap ito sa akin at pinaghahalikan ang buong mukha ko habang napaka lawak ng kaniyang ngiti.

Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang nagbabadyang luha. Ayokong mag-alala ito sa akin.

Inilagay ko ang magkabilang kamay sa magkabila nitong pisngi at ngumiti sakaniya.

Sobrang gwapo ng boyfriend ko.

At sobrang swerte kong akin siya.

"Mamaya magkita tayo, huh? Gusto kitang makita bago ako matulog," paglalambing ko.

Kumunot naman ang noo niya na parang nagtataka kung bakit naglalambing ako ngayon.

Sa aming dalawa kasi ay mas clingy siya.

"Kahit anong oras, mahal, darating ako."

Humalik ako rito ng isang beses.

"Mahal kita, Rave."

"Mahal din kita, Cadence. Palagi kitang pipiliin, mahal."

Hindi ko na kinaya pang pigilan ang pag patak ng luha sa aking mga mata na agad niyang kinabigla at ikina-taranta.

"Hey, what's wrong? What did I do to make you cry? Did I hurt you, mahal? Hey, tell me please."

Tumatawa akong nag punas ng mga luha.

"Wala, kinikilig lang ako."

Totoo naman.

Nag yakapan lang kami roon habang ang sasakyan niya ay naka hinto na sa tapat ng bahay namin.

Sobrang mahal ko si Rave at minahal niya rin ako sa kung sino ako. Walang kahit na sino ang makakapag pabago ng nararamdaman ko sakaniya.

Pagkatapos ng ilang minutong iyakan at yakapan, nag desisyon na akong harapin ang delubyo.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now