String 27

7.7K 275 119
                                    

                          Happy 10k reads, fillies!

        Sobrang saya ng puso ko. Hindi ko in-expect
        na kaya kong maka reach ng ganoong reads
       and dahil 'yon sainyo kaya maraming thank
      you sainyong lahat! At dahil diyan, here's what
        you've been requesting and asking for HAHA.

      Bukas ko pa sana 'to i-po-post pero hindi ko
       ko kayo matiis, nakakainis kayo HAHAHA. But
       anways, keep safe pa rin, everyone! 🤍

 
                                      Enjoy reading :)

Strings Not Too Attached 27

                                            ✧˚ ༘  ⋆。˚

"Do you know my cousin?"

"Your cousin?"

"Yeah, you mentioned his name. Si Rave..." sagot niya.

Kahit hindi ako lasing, tanggal amats talaga sa nalaman ko.

"Si Rave? As in si Raven?" pag-uulit ko, gusto kong maka sigurado.

Tumango sya, naguguluhan na rin sa akin. "Yup. Raven, as in Raven Verancia. So, you know him nga?"

Tangina, ang bobo mo, Cadence.

Nuknukan ka ng kabobohan. Kung may mas tatanga pa sa'yo, ewan ko na lang.

Siguro no'ng nagpa ulan ng pag o-overthink, katangahan, kabobohan, at pagiging inutil....siguro enjoy na enjoy akong naliligo at naka batya pa.

Putanginang plot twist 'yan, sa'kin pa nangyari.

"So mag pinsan kayo?"

"Oo, pinsan ko sya. Narito nga siya, eh, umalis lang kasi may kakausapin daw."

Kakausapin? Ako ba 'yon?

Malamang, Cadence. Ikaw ang kausap kanina, 'di ba? Baka mag tanga-tangahan ka na naman?

Nanggigigil ako sa sarili ko. Sa lahat. Ang gulo kasi nya, eh. Pero ang tanga ko pa rin.

"So hindi mo sya boyfriend?"

She just gave me a disguting face. "Of course not! That's ew, bro, and I'm with my boyfriend," sabay turo sa lalaking medyo malayo na sa amin.

Kinausap nya kasi iyon at sinabing may pag-uusapan lang kaming dalawa at heto na nga, nililinaw nya na mag pinsan sila at walang kahit na anong espesyal na relasyon sa isa't-isa.

That explains why they're so touchy with each other. Close na close sila dahil mag pinsan.

Bobo ko talaga.

"Akala ko talaga may something..." hindi ako maka hanap ng mga salita. " 'Di ba sabi mo bibisitahin mo ang boyfriend mo?"

"Oo nga, same condo sila ni Rave, same floor pa."

Shit.

"Pero nakita ko ring magka yakap kayo at pumasok sa loob ng unit nya kaya akala ko talaga... kayo," mahinang sagot ko, nawawalan ako ng lakas sa lahat ng nalalaman.

"Of course we're cousins, normal lang iyon sa amin dahil close kami. And, it was coincidence na nakita ko sya sa labas ng unit nya dahil may hinihintay raw syang bisita pero when I hugged him, naramdaman kong nilalagnat kaya pumasok kami para asikasuhin muna sya... "

Hindi kaya ako ang tinutukoy niyang hinihintay ni Rave no'ng panahon na 'yon? At nilalagnat pa rin siya ng gabing iyon pero hinihintay nya pa rin ako sa labas ng unit nya.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now