Strings Not Too Attached 03
✧˚ ༘ ⋆。˚
"Tumawag pala ang papa mo, kinukumusta ka at nagtanong kung nakuha mo na raw ba ang pinadala nya sa bank account mo," panimula ni nanay habang nasa hapag kami.
"Hindi naman sya tumatawag o nag te-text man lang, paanong nangumusta sya? Atsaka hindi ko pa na-check ang card ko, baka bukas na lang. Paki suyo na lang, nay."
Nawawalan talaga ako ng gana kapag tungkol sakanya ang usapan. Hindi ako madamdaming tao pero kung ituring nya kasi ako pagkatapos mamatay ni mama at magkaroon sya ng sariling pamilya, eh, parang pamangkin nya lang ako.
Hindi ako sasama sakanya sa bago nyang bahay kasama ang bago nya ring pamilya pero sana man lang tinanong nya pa rin ako kung gusto ko bang sumama sakanya para naramdaman ko naman sana ang pagiging tatay nya kaso hindi. Dito nya ako ipinirmi sa bahay ni nanay, sa bahay ng lola ko.
Wala naman akong reklamo dahil malapit naman na talaga ako kay nanay kahit noong bata pa ako.
Nasaktan lang ako dahil hindi man lang pinaabot ng magaling kong tatay ng isang taon ang pagkawala ni mama bago sya naghanap ng bagong asawa at talagang bumuo agad ng isa pang panganay habang ako basta na lang itinapon kay nanay.
Simula no'n, nawalan na ako ng amor sakanya. Kahit anong pagpapadala nya ng pera o kung ano-ano ay balewala na lang sa akin.
Dapat nya naman talagang padalhan ako dahil responsibilidad nya pa rin ang mga pangangailangan ko dahil sa tatay ko sya.
"Nagsabi nga na imbitado tayo sa 7th birthday ng kapatid mong si Nicole, pumunta raw tayo."
Hindi ko sinasadya pero kusa kong padabog na ibinaba ang kutsara. "Hindi ako pupunta, nay, may training ako no'n."
Kahit hindi ko pa alam kung kailan, uunahin ko ang training kaysa ro'n. Kung wala namang training, hindi pa rin naman ako pupunta. Ano namang gagawin ko ro'n? Ako ba ang clown?
"Cadence, apo, alam kong malaki ang tampo mo sa papa mo pero papa mo pa rin iyon at si Nicole ay kapatid mo. Apo ko rin iyon kaya pupunta ako, pupunta tayo."
"Nay, naiintindihan ko po kayo pero sana maintindihan nyo rin ako na hindi ako komportableng pumunta ro'n. Sigurado rin namang may training ako, magpapa abot na lang ako ng regalo."
"Pero—"
"Ayoko na pong pag-usapan 'to, nay. Umuwi po ako rito para makapag relax at maka bonding kayo, huwag 'yan ang pag-usapan natin," putol ko na kay nanay.
Ayoko namang maging bastos pero paulit-ulit naman na ang linya ni nanay na papa ko pa rin iyon at huwag na akong mag tampo o mag tanim ng galit.
Ayaw ko mang maramdaman pero pakiramdam ko nai-invalidate ang nararamdaman ko kapag ganoon.
Hindi naman ako gaganito sa tatay ko kung trinato nya lang sana ako nang tama. Sana kahit respeto na lang din sa akin bilang anak nya, sana tinanong nya rin muna ako kung ayos lang ba sa akin kung mag aasawa na sya ulit.
At tangina, sana man lang pinatagal nya ng isang taon bago nya pinalitan si mama.
Mabuti na rin at naintindihan naman ako ni nanay at binago na ang usapan pero nawala na rin ako sa mood kaya iyong mga corny jokes ko ay hindi ko nailabas. Tahimik na lang akong kumain, sasagot kapag tinatanong. Naghalo na rin kasi ang pagod at init ng ulo dahil kay papa.
"Pasensya na po, nay, matutulog na po ako."
"Pasensya na rin, apo. Sige na, hindi na kita pipiliting um-attend sa birthday party ng kapatid mo. Basta ipangako mong kahit sa text ay babatiin mo sya, huh? Wala naman 'yong kasalanan sa kung anong tampo mo sa papa mo."
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached (COMPLETED)
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1