Strings Not Too Attached 18
✧˚ ༘ ⋆。˚
Tuwang-tuwa si Samantha sa nalaman. Akalain mo raw na matapos naming patulan ang isa't-isa, babaliko rin daw pala kami.
Hindi na rin naman nagtagal dahil dumating ang girlfriend niya at kailangan ko na ring bumalik sa gymnasium nila dahil tumawag na sina Theo na naroon na rin ang iba.
Hindi agad kami nagsimula, warm-up at kaunting routines. Mabilis namang natapos ang practice match at kami pa rin ang nanalo roon pero gaya ng naunang team, dikit na dikit ang score namin.
"Mukha kang gago, Cadence! Lala mo, tol."
Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni TJ at nanatili ang ngisi sa labi. Paano ba naman, kausap ko na naman si crush.
Raven Verancia:
Are you busy?
Cadence Perez:
Hindi naman.
Raven Verancia:
Can I call?
Puwede. Puwedeng-puwede.
Cadence Perez:
Ikaw bahala.
Parang dinaig ko si flash nang tingnan ang itsura sa salamin sa bathroom ng hotel room namin. Maayos naman ang itsura ko roon, sana naman pati sa camera.
Tumawag ito at video call, hindi lang basta call ang gusto. Mabilis akong lumabas ng room namin at sumakay ng elevator pataas, doon ako sa rooftop nang walang istorbo.
Unang bumungad ang kisame ng kwarto niya, gumalaw ang camera at maya-maya lang ay itinapat na niya ito sa kaniyang mukha.
Alam mo 'yung walang ka-effort-effort niya iyong itinapat sa mukha niya pero dahil sobrang gwapo niya, nakaka kabog ng dibdib pa rin na makita siya?
Wala rin siyang suot na pang itaas dahil kita ko ang malapad at ma-muscle niyang balikat. Iyong dibdib niya ay makinis, at dahil moreno, litaw na litaw ang silver necklace niya na letter L.
Maybe his second name Lexus?
"Kailan ang uwi niyo?"
"Bukas pa ng ala-sais kami uuwi, diretso pasok na siguro ako no'n," sagot ko, pinipigilan ang sariling ngumiti.
Baka isipin niya nababaliw na ako. Pero ang hindi niya alam, nababaliw na talaga ako pero sakaniya.
Kung minsan nga napapa isip ako. Ang sarap sa pakiramdam na gumusto ng isang tao. Iyong pakiramdam na may ginagawa kang inspirasyon sa mga ginagawa mo.
Iyong kahit pagod ka na, makita mo lang siya, gumagaan na lahat. Isang beses ko pa lang iyon naramdaman, doon sa ex ko no'ng senior high pero ngayon? Nararamdaman kong mas delikado ako. Mas malalim ang nararamdaman kong 'to.
At nagsisimula na akong matakot. Natatakot akong kung aamin ako, na hindi ko alam kung kailangan ko bang umamin at kung kaya ko ba.
Baka kasi masira ang kung anong magandang samahan ang mayroon kami ni Rave. Nakikita kong siya iyong tipo ng kaibigan na sasamahan at susuportahan ka sa lahat.
Alam kong kahit sa huli maaari akong masaktan, hindi ko pa rin kayang sukuan na baka isang araw, kung mapagbibigyan ng tadhana, mapansin niya rin ako sa kung paano siya napapansin ng puso ko ngayon.
"Pagod?"
Ang lambing ng boses. Ano kayang pakiramdam kapag nilambing ako nito? Sana maranasan.
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached (COMPLETED)
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1