Strings Not Too Attached 21
✧˚ ༘ ⋆。˚
"Bakit hindi mo patayin ang makina?"
"Maiinitan ka," sagot niya.
Bakit? Concern ka?
Gusto ko sanang itanong kung aware ba siya sa lahat ng ikinikilos at sinasabi niya dahil para sa akin, na may gusto sakaniya, iba ang naiisip ko sa lahat ng mga ginagawa niya.
Pakiramdam ko may espesyal din siyang nararamdaman sa akin na pinipigilan kong isipin kasi nga baka sa huli, umasa lang ako at masaktan.
Kung ganito lang talaga siyang klaseng kaibigan, hindi 'to pwede sa akin dahil gusto ko siya. Kailangan niyang itigil ito dahil iba ang takbo ng isip ko sa lahat ng actions niya.
"Buksan mo na lang ang bintana."
"Maalikabok at mausok sa kalsada," sagot niya.
Ang arte naman.
"Oh, bakit ka nga nagawi rito? Ba't hindi ka na lang umuwi sa condo mo nang makapag pahinga ka. Galing ka pa sa lounge, 'di ba?"
Tumango lang siya.
"Oh, ba't dito ka dumiretso?"
Kanina pa ako tanong nang tanong tapos siya naka titig lang. May dumi ba ako sa mukha? Maayos naman ang itsura ko bago lumabas kanina.
"Gusto nga lang kitang makita."
"Bakit gusto mo akong makita?"
"Lagi na lang dapat may dahilan sa'yo!"
Kasi gusto kong malaman kung para saan lahat ng mga sinasabi mo. Para rin alam ko ang context at hindi ako umasa sa mga pinagsasabi mo.
"Aba! Siyempre! Bakit mo ako gustong puntahan? Anong benefit no'n sa'yo? Anong maitutulong sa'yo ng pagpunta mo rito at kapag nakita mo na ak—"
"Mawawala ang pagod ko."
Napa tanga ako.
Natahimik.
Natameme.
Rave naman, eh. Huwag naman sanang ganito. Ang hirap din kayang magtago ng nararamdaman lalo na kung gustong-gusto mo nang ipagsigawan sa lahat kung sino ang gusto mo.
Ginagawan ko na nga siya ng pabor. Kinikilig man pero nilalagyan ko pa rin ng limitasyon lahat ng nararamdaman ko kasi ayokong umasa.
Pero kung patuloy naman siya sa mga sinasabi niyang ganito—na sobrang nakakalito. Paano naman ang nararamdaman ko? Kahit anong pilit kong huwag umasa, sumisibol ang mumunting pag-asa sa puso ko.
Nabalik lang ako sa reyalidad na narito pa nga pala kami sa loob ng sasakyan niya nang marinig ang pag-abot niya sa isang supot sa backseat.
Dalawan gallon ng ice-cream iyon. Mini version lang naman ng gallon na ice cream pero malaki pa rin iyon para sa akin.
"Rocky road 'yan, 'yung favorite mo."
Tinanggap ko 'yon. "Bakit may ice cream?"
"Kasi may pambili ako."
Kingina. Ang galing.
"Ang ayos mo kausap, 'no?"
Ngumiti siya. "Thanks."
Namayagpag na naman ang katahimikan, patuloy na lang kami sa pagkain ng ice cream. Rocky road din ang kaniya kasi gaya-gaya siya.
Binura ko na isip ko lahat ng iniisip ko. Nag effort siyang puntahan ako dahil siyempre nanalo ang kaibigan niya. Oo, kaibigan niya ako. Magkaibigan kami.
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached (COMPLETED)
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1