Strings Not Too Attached 13
✧˚ ༘ ⋆。˚
"Mag-uusap ba kayo o mag susuntukan?" inis na tanong ko sa mga ito. Lahat sila.
"This will not fix anything. Hindi maaayos ng barahan, titigan, at murahan ang lounge sa ginagawa ninyo. Stop acting stupid, people!"
Tahimik pero mukhang dragon kung magalit itong si Ishan. Kahit hindi ako kasali sa gulo at isa sa umaawat ay tila nagiging maamong tuta dahil sa sinabi nito.
Sa totoo lang, sobrang lambot ng itsura nito. I mean, don't get me wrong, hindi ko siya iniisipan ng kung ano. Namamangha lang ako sa kung paanong malambot ang pang kabuuan niya. Hindi sa galaw, pero sa mismong katangian niya.
Kung bibigyan ko ito ng wig at isusuot, siguradong hindi ako magtataka kung babae siya. Sakaniya ko nga lang nakitang bagay ang mahabang buhok, hindi naman sobrang haba, iyong hanggang batok lang pero manipis pa rin.
Wala namang masama kung sasabihin kong bukod sa gwapo siya—maganda rin siya, 'di ba? I just appreciate his beauty.
But someone's beauty attracted me mo—Huy! Kilabutan, Cadence! Mukhang tanga na, promise. Tigil mo na 'yan. Ang lala mo na.
"Okay, so this is Rave and I's plan. We'll be the one who will do the plate, I mean the overall plan dahil kailangang magkasama kaming gumawa no'n. Sa lagay niyo kasing 'yan ay hindi talaga kayo pwedeng magsama para gumawa kaya kaming dalawa na lang,"pauna kong imporma sakanila ng napag-usapan namin kanina ni Rave.
Agad niya naman itong sinegundahan. "But after we finish the overall plan, we decided to have a separate schedule and tasks for our departments. Since we need to finish this within almost three weeks, we will work whole day on weekends."
Naisip naming mahirap iyong tapusin sa loob lang ng almost three weeks kaya naki-usap kami sa Dean kung pwedeng gumawa kami kahit linggo at pumayag naman ito basta hanggang alas diyes lang ng gabi.
Pwede ring gumawa kami ng gabi kahit weekdays para hindi nasasayang ang oras lalo kung vacant, restricted naman na ang area ng lounge kaya walang makaka abala sa amin doon.
"Sa ngayon wala pa kaming nagagawang schedule about the time and specific tasks for our departments. But expect to have it this upcoming weekdays. I'll create a group chat for informations and announcement. Sana naman walang salitaan at kung anong mangyari roon."
"After all, you don't need to reply nor to react. Iyong ma-seen niyo lang at maintindihan kung anong sasabihin namin ay sapat na. But again, one thing is for sure, we will create a separate schedule where you will not meet each other," dagdag ni Rave.
Tumango ako roon at napunta na sa iba pa ang usapan namin. Mapayapa naman naming natapos ang usapan, buti naman.
"Tara, Cade, sabay na kita," tumayo na silang lahat, ganoon din sina Tristan. Si Jacob, naka harap sa akin.
"Mag-uusap pa kami ni Rave, sisimulan na namin 'yung plano para rin matapos agad at malaman na lahat ng materyales."
Kailangan ko rin kasi talagang i-push na matapos na namin ang overall planning dahil baka hindi na ako makatulong pa kapag nagsimula na ang match namin. Kaya itong darating na week, sana matapos na ang planning, schedule, at list of materials at sila na ang bahala sa pag gawa.
"Ngayon, pre? May training ka, ah?" kita ko ang alala sa mukha nilang lahat, kahit sa boses ni Cedrix na nagtanong.
"Kaya nga, eh. Pero ayos lang, kailangan nang tapusin, eh."
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached (COMPLETED)
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1