String 15

12.4K 373 259
                                    

Strings Not Too Attached 15

                                          ✧˚ ༘  ⋆。˚

Maaga akong nagising kinabukasan. Dahil na rin sa naka sanayan, una kong hinanap ang cellphone ko.

Hindi pa man ako nakaka galaw, mukha na agad ni Rave ang tumambad sa akin. Just like last night, he's still hugging me. Magkaharap kami ngayon.

Kitang-kita ko ang mukha niya. Ang mahimbing niyang mukha habang tulog na tulog sa tabi ko.

My heartbeat was beating stupidly. Hindi iyon magkamayaw habang bumababa ang tingin ko sa braso nitong yakap na yakap sa aking katawan, ang binti ay bahagyang naka angkla rin sa aking binti.

Hindi na ganoon kainit ang pag hinga ko, hindi na rin ako nilalamig pero mainit pa rin ako.

As I scan him, I can see sweats dripping from his forehead down to the side of his cheek.

Naalala kong pinatay nito ang aircon at iyong electric fan lang ang binuksan, naka number one lang iyon at umiikot pa.

Nginuso ko ang nangingiti kong labi nang mapalitan iyon ng gulat sa biglaang pagmulat ng mata niya.

"You're staring."

It's not a question, it's a statement.

Wala akong mahanap na emosyon sa mukha nito. Kinakabahan tuloy akong baka isipin niyang sinasadya ko ang pag tingin kahit gising naman na ako.

"Tulog ka pa kasi, hindi ako maka galaw," sabay sapilitang inangat ang braso niya. "Tangina ang bigat mo!"

"Kahapon para kang maamong pusa, ngayon minumura mo na naman ako."

Ngumisi ako. "Hindi ako 'yon."

"Yeah, whatever, Cadence."

Bumangon kaming pareho. Akala ko lalabas na siya nang i-abot niya ulit ang thermometer sa akin.

"Raise your arm, I'll check your temperature."

Hinablot ko sakaniya ang thermometer. "Ako na, ginagawa mo naman akong baby."

Buti sana kung baby mo.

Hays. I really need to be alone. I want to be alone and think about the changes in me in the past month.

I know something is changing in me and in the back of my mind, I know what that thing is. Mahirap pag-usapan, masiyadong sensitibo ngunit hindi ko isinasara ang isipan at pusong mas maunawaan pa iyon.

All I need is time.

Gusto kong makasigurado kung ano 'to. Gusto kong malaman kung hanggang kailan ang nararamdaman ko.

Alam ko na kung ano ito, hindi ko lang masiyadong pinagtutuunan ng pansin dahil wala pa namang kasiguraduhan.

But one thing is for sure.

There are changes.

Napapansin ko sa paraang hindi normal sa akin si Rave. Nakakaramdam ako ng mga bagay na hindi ko naman naisip na mararamdaman ko sa kapwa ko lalaki.

But I am willing to embrace that changes. At proud ako sa sarili kong kaya kong tanggapin, at bukas ang puso't-isip ko sa mga pagbabagong iyon.

Pero sa ngayon, I need time. Hahayaan kong makaramdam ng kung anong espesyal ang sarili ko para sa taong ngayon ay alalang naka tingin sa akin.

"Let me see," sabay kuha mula sa kamay ko ng thermometer, hindi ko pa nakikita ang temperature nang kinuha niya agad.

"37.9, still bad, Cadence."

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now