Strings Not Too Attached 10
✧˚ ༘ ⋆。˚
"Alis ka na?"
"Hindi ka na mag lu-lunch, pre?"
Inayos ko ang bitbit sa bag ko. Kumakalam na rin ang sikmura ko pero ayos na 'tong burger na binuraot ko lang sa order ni Cedrix.
"Thanks sa concern, pre, pero may biglaang meeting si coach. May klase rin ako pagka 12:30," sagot ko.
Mag a-alas dose na kasi, kakatapos lang ng second subject namin. May ilang minuto pa sana akong kumain bago ang next class ko para sa back subject na kinukuha ko tuwing biyernes gaya ngayon kaso nagpatawag si coach ng biglaang meeting kaya hindi ko na talaga magawang kumain.
Inabot na rin ni Jacob ang bote ng C2 na in-order niya. "Oh! Panulak mo na rin, kawawa ka naman."
Tinanggap ko ito sabay tingin kay Paulo. "Ikaw, pre? Wala kang ibibigay?"
Ngumuso ito. "Halik na lang, may pambara at panulak ka na, eh."
"Thanks but no thanks. Hahawaan mo pa ako ng rabies mo eh," sagot ko.
Hindi na rin naman nila ako pinigilan dahil alam nilang nagmamadali na rin talaga ako. Lakad-takbo na rin ang ginawa ko dahil ang layo ng gymnasium at cafeteria. Ang init pa ng panahon sabayan pa ng long sleeves naming uniform.
Tagaktak ang pawis at hingal akong pumasok sa gym. Naroon na sina coach, maging coaching staffs at mga teammates ko. Lumapit ako agad doon.
Nagbibigayan na pala ng jersey uniform pero may iilang box pa roon na parang sapatos. Uy, mukhang may sponsored, ah?
Kulay dilaw ang kulay ng school namin pero jersey t-shirt ang main jersey namin ngayong season. Last season sando type lang lahat ng jerseys namin at kulay puti at dilaw 'yon, ngayon naman ay dilaw at itim. Mas gusto ko ang jersey namin ngayon.
Marami ring sponsored logo ang nasa jersey namin dahil dumarami na talaga ang sponsorship sa MVT, masaya rin ako bilang volleyball player na maraming willing tumulong financially para sa aming mga volleyball player.
Nare-recognize na rin ang men's volleyball dito sa Pilipinas kaya masaya rin talaga ako at alam kong ganoon din ang mga teammates ko.
"Cadence!"
Lumapit ako roon at tinanggap ang jersey ko pati ang box ng sigurado akong sapatos nga.
Sabay-sabay naming sinukat iyon kahit pare-pareho pang naka uniform. Sobrang ganda talaga ng jersey namin ngayon kahit ang tela, mas komportable talaga para sa akin kapag t-shirt type ang jersey.
"Wow! Gago ang ganda!"
"Customized pa! May pangalan natin at Jersey number!"
Tuwang-tuwa ang buong team sa sapatos na mismong School namin ang nag-sponsor. Pare-pareho kami roon ng design at may mga pangalan at Jersey number nga namin.
Kulay puti iyon at may kaunting halong dilaw para sa kulay pa rin ng school namin.
Cadence at 01 ang naka lagay roon dahil number 1 ang jersey number ko kahit noong high school pa lang. Birthdate iyon ni mama at siya talaga ang inspirasyon ko maging volleyball player dahil alumni ng WVT naman si mama sa Eastern University rin.
"Maraming dumagdag sa sponsors natin this season," panimula ni coach. "Mayroon na rin tayong pare-parehong sapatos na alam kong matagal niyo nang gusto gaya ng sa ibang teams kaya sana gawin niyong isa 'yan sa mga inspirasyon nyo this season."
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached (COMPLETED)
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1