Strings Not Too Attached 09
✧˚ ༘ ⋆。˚"Magtira ka naman ng tubig sa shower, Cade!"
"Uwing-uwi na, eh."
Kanina pa nang-aasar ang mga teammates ko. Naliligo lang naman ako. Nang makuntento na akong nakuskos ko nang maigi ang buong katawan ko, lumabas ako ng cubicle saka sila pinakyuhan isa-isa.
"Ang tagal mo kasi, gago! Pupunta ka ata sa chiks after nito kaya todo hilod ka riyan, eh."
"Chiks amp. Palibhasa mga dugyot kasi kayo kaya wisik lang ang ginagawa nyo," sagot ko naman.
Nag bihis na ako at nakuha ko pang mag pabango. Bwiset talaga. Si Rave lang naman ang kikitain ko. Nag chat na kasi itong nasa labas na sya kaya heto at nagmamadali ako.
Ako rin ang nauna kanina rito sa shower area para siguradong walang makaka pansin sa akin kapag lumabas ako dahil busy pa silang maligo at mag-ayos.
"Oh, Cap!"
Mabilis nitong ibinaba ang cellphone na nasa tenga nya. Siguradong may kausap ito. Gulat na gulat pa ang itsura. "Oh, Cade! Saan ka?"
"Diyan lang, cap, walang signal sa loob. Tumatawag ang lola ko," pagsisinungaling ko.
Sorry, nay.
"Oo nga eh, hina rin ng signal sa loob. Sige, pasok na ako," paalam nito kaya tumango na lang ako.
Mabilis akong nag lakad palabas ng gymnasium, mabuti na lang at marami ang ilaw na naka kalat sa buong School lalo na sa mga hallways kaya hindi naman ganoon nakaka takot.
Nakita ko na agad si Rave. Naka puting hoodie ito at itim na jersey shorts sabay naka sandugo.
Ang mga kamay nya ay parehong nasa kaniyang mga bulsa. Buti na lang katabi lang ng gym ang parking lot kaya hindi na sya lalayo pa.
Inabot ko na agad ang susi nya. "Salamat sa pag sabay kanina. Dapat kasi kinuha mo na lang sa guard kanina, hindi ka na sana pupunta pa ngayon." tumingin ako sa cellphone ko. "Alas dies na oh," dugtong ko.
Nanatili lang ang tingin nya sa'kin. "Hindi pa ako kumakain," biglang sabi nya.
"Anong gagawin ko? Ayan na ang susi ng sasakyan mo, kumain ka sainyo," natatawa kong sagot.
"Samahan mo ko."
Gulat na naman akong tumingin sakanya. Wala na bang katapusan 'tong gulat na ekspresyon ko dahil sa mga pabigla-bigla nyang banat na ganito.
Tangina kung gutom sya, kumain sya sakanila. Atsaka, bakit hindi pa kasi sya kumakain? Ako pa ang aabalahin.
"May van ang team, sabay-sabay kaming pupunta sa dorm."
"Libre ko naman, ihahatid din kita agad," pamimilit niya pa.
Umiling pa rin ako. "Sabay-sabay nga kasi kaming uuwi, baka palabas na rin 'yong mga 'yon." sabay lingon ko pa kung may naka labas na bang teammate ko, wala pa naman.
"Edi susunod ako hanggang sa dorm nyo tapos saka ka sumakay sa'kin kapag nakarating na ang van nyo sa dorm," suwestyon nya.
Edi papahirapan na naman nya ang sarili nya? Hindi ba sya makakakain kapag walang kasama kaya nang-aabala sya? Hanep talaga mang trip 'to.
"Ang kulit mo!"
"Makulit talaga ako."
Napa iling-iling ako. "Hindi nga talaga pwede, Rave. Ang tropa mo kaya ang ayain at ilibre mo, matutuwa pa 'yon sa'yo."
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached (COMPLETED)
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1