String 02

19K 421 55
                                    

Strings Not Too Attached 02

                                         ✧˚ ༘  ⋆。˚

"Ano, nagsuka ba si Jacob?" bungad kong tanong sa pa tulog nang si Cedrix.

"Muntik lang, buti napigilan ko."

Ini-start ko na ang sasakyan.  "Hayaan mo, si Paulo naman ang dadamay sa pagsusuka niya, eh. Atsaka, sakaniya naman 'tong sasakyan. Marami naman syang pang car wash," dagdag ko.

"Hoy naririnig kitang hayop ka!"

Nagulat ako nang magsalita si Jacob. Nahimasmasan na rin ata kahit paano. Mabuti naman, iinom inom tapos hindi naman pala kaya. Mga literal na pabigat itong mga 'to lalo sa inuman.

Halos kurutin at sampalin ko na ang sarili ko magising lang dahil nagmamaneho ako. Pucha antok na antok ako, medyo malayo pa naman ang condo ni Jacob doon sa club na pinuntahan namin.

Sa lagay kong 'to hindi na rin ako makaka uwi sa dorm kaya siguradong siksikan na namin kaming apat nito.

Basta ako, doon na ako sa guest room. Si Cedrix sa sofa, tapos si Paulo at Jacob ang bahalang mag sukahan sa kwarto ni Jacob tutal pareho naman silang mahina.

"Sukang-suka na ko, konting bilis, Cade," pikit na sabi ni Jacob.

"Tangina, pre, sorry, ah? Nabigyan pa ako ng responsibilidad ng mga hinayupak."

Nang mabuksan ko ang unit nito ay kaniya-kaniya kaming pasok. Si Jacob nauna sa sink at doon na inilabas lahat ng kinain at ininom namin, amoy na amoy ang alak at asim doon. Halos mangasim ang mukha ko. Putangina, dugyot.

Si Cedrix wala nang pakialam at naka hilata na sa sofa habang si Paulo, ayon, naka tulog na lang sa sahig. Ako? Tangina aakyat na ako sa guest room, ang baho ng suka ni Jacob, dugyot talaga.

"Sa wakas!"

Siguro dahil madalas kaming mag sleepover dito sa unit ni Jacob lalo kapag ganitong gumigimik kami, nasanay na lang ako sa guest room nila kaya hindi na ako nag hintay ng oras at agad na ring naka tulog.

Nag alarm ako ng ala sais, kailangan ko pang maka balik ng dorm dahil wala naman akong gamit dito kung didiretso sa training. Isa pa, tangina amoy alak ako. Baka ako i-spike-in ng nga spikers namin kung mag te-training ako sa gantong ayos at amoy.

Kahit puyat pa, nag bihis na ako at nag hilamos. Tulog na tulog pa rin ang mga putangina, kahit si Jacob nasa tabi ni Paulo sa sahig. Hindi na rin siguro kinaya ang antok.

Matapos makapag hilamos, kahit walang toothbrush umalis na ako at nag taxi na lang. Tangina, kadiri talaga.

Next time talaga magdadala na ako ng hygiene kit at extrang damit kapag gigimik, siguradong hindi ito ang huling beses na mangyayari ito, eh. Ako ang napupuyat at nahihirapan sa mga gago.

"Hindi na naka uwi, ah? Napa good time ka siguro kagabi," bati ni Bryce sa akin, siya ang una kong naka salubong dito sa dorm.

Though, hindi ko sya roommate dahil si Theo at TJ ang kasama ko na parehong middle blocker ng team.

"Oo, eh, nag baby sit pa ako ng mga tropa kong lulong sa alak," biro ko.

"Pati siguro babae?" naka ngisi ito, nang-aasar.

"Sila lang, out ako," sagot ko.

Hindi naman nagtagal ang usapan namin dahil lalabas daw sya at mag be-breakfast sa labas na may kainan. Ako naman, gaya ng plano, maliligo muna ako at sa convenience store na lang na malapit kakain bago mag training.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now