String 20

12.4K 396 73
                                    

Strings Not Too Attached 20

                                          ✧˚ ༘  ⋆。˚ 

"Galingan mo, ah? Huwag mong sayangin ang pera ko sa ticket!"

Kung maka sumbat naman 'tong mga hayop na 'to akala mo may sapilitang nangyari.

Ngayon ang unang laban namin laban sa La Northern University, sila iyong muntik nang tumalo sa amin sa step-ladder game last season kaya may kaba rin sa akin.

Idagdag pa ang mga comments sa page ng One Sports kahapon kung saan in-announce ang unang laro namin ngayong season.

Marami na nga talagang nakakakilala at nakaka appreciate ng Men's Volleyball. Umabot din ng 3.4k ang reacts ng post no'n at nasa 1k mahigit din ang comments.

Shiela Valdez: Rooting for Eastern U this season! 💛

Aaron Serio: Go for the gold, guys!

Arvin Sulieta: Go, number 01, ang pogi ng new setter!!!

Lindsey Gutierrez: Bago ang setter nila, sana mag improve pa sila, lakas pa naman ng kalaban nila huhu

Angelic Ramirez: Roaring Lion! Ibalik ang korona sa Eastern U! Go, Cadence! 💛

Mas lalo akong kinakabahan sa mga comments doon. Sa lahat ng emosyon na nararamdaman ko, kaba at pressured ang nangunguna roon.

Maraming nag e-expect sa amin ni Mark dahil kami ang parehong main at starting players ngayon para sa school namin. Siya as wing player habang ako bilang main setter.

Alas kwatro ngayon ang laro namin, hahabol na lang doon sina Cedrix dahil may klase pa hanggang alas kwatro. Excuse na ako roon.

Alas dos pa lang ay narito na kami, narito na rin ang school na mas nauna ang schedule ng laban sa amin.

Nasa dug-out kami ng Arena, nag-aayos. Trenta minutos na lang lalabas na kami para sa warm-up, naririnig ko na rin ang mga taong pumapasok.

Nabanggit ko kay Rave ang laro namin ngayon, alam niya rin naman dahil nasabi niya noong gabi ng sabado. Kaya lang, hindi siya makaka nood kahit inaya ko siya dahil sila ang naka schedule ngayon sa pag gawa sa lounge.

Mamayang ala siyete hanggang alas diyes ng gabi naman sina Cedrix, iyon ang schedule nila ngayong linggo at magpapalit naman sa susunod na linggo. Ganoon ang ginawa naming schedule ni Rave.

Cadence Perez:

Kinakabahan ako.

Hindi ko alam kung online ba siya dahil himalang walang nakalagay roon. Naka off ata ang active status niya.

Nilakasan ko na nga ang loob na mag first chat dahil kailangan ko talaga ng inspirasyon ngayon.

Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko, parang kaba ko lang kapag nariyan siya sa tabi ko.

Hindi lumipas ang limang minuto nang tumunog ang messenger ko.

Si Rave, tumatawag.

Lumabas ako at naglakad hanggang sa wala na masiyadong makaka pansin sa akin pero hindi naman gano'n kalayo sa dug-out.

Sumandal ako sa pader at itinapat sa aking kanang tenga ang cellphone. Hindi pa man siya nagsasalita pero ang lakas na ng kabog ng puso ko.

"Kinakabahan ka?"

"Oo, sobra."

Hindi agad siya sumagot, hindi ko naman alam kung anong ginagawa niya.  "Alam kong ikaw ang pinaka magaling diyang setter kaya huwag kang kabahan."

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now