String 25

11.5K 382 159
                                    

Strings Not Too Attached 25

                                            ✧˚ ༘  ⋆。˚

"Ang dami mo namang dala, Cade? Dinner ba 'yan ng lahat?"

Tipid lang ang ngiti ko. "Libre ko 'yan."

Nanlaki ang mga mata nila. "Totoo talaga ang himala!"

Kung kagaya lang siguro ito ng normal kong araw, baka sinakyan ko pa ang pang-aasar nila. Pero dahil parang pagod na pagod ako ngayong araw ay nginitian ko lang sila.

"Papahinga na ako, inaantok na ako, eh."

"Sigurado ka, pre? Hindi mo kami sasabayan kumain? Ang dami nito."

"Busog ako."

Tumango sila at sumaludo pa sa akin. "Salamat ulit sa libreng dinner, boss Cadence."

Tinanguan ko sila at pumasok na. Para akong lantang gulay na naghanap ng pang tulog at pumasok sa banyo.

Tumapat ako sa ilalim ng shower at doon pinakawalan ang kanina pang likidong naipon sa aking mga mata.

Huling iyak ko no'ng namatay si mama. Wala ba akong iiyakan na masaya naman ang dahilan? Lahat ba malungkot?

Bawal ko bang maranasan ang tears of joy?

Hindi ko alam kung paano ko nagawang makapag shampoo at sabon, ang alam ko na lang ay naka higa na ako at naka takip ang braso sa aking mga mata.

Kumawala na naman siya. Iyong mainit na likido mula sa aking mga mata.

Tama na. Nakakapagod din pa lang umiyak kahit nakahiga ka lang naman at tahimik na humihikbi.

Ang tanging panalangin ko lang sa mga oras na 'yon na sana matagalan silang kumain at hayaan muna akong mapag-isa rito.

Gusto kong masaktan nang sobra. Iyong mamanhid na lang nang tuluyan para wala na akong maramdaman.

Minsan na lang magmahal, olats pa.

Kailan ba tayo mananalo? Kailan ako mananalo sa pag-ibig? Kasi siya lang naman ang gusto ko, eh. Siya lang lahat.

Si Rave lang lahat.

Kaya ang tanong, kailan ko ba siya maipapanalo? O mas magandang itanong kung kaya ko pa ba siyang panalunin?

Alam ko naman ang sagot. Gusto ko siyang ipanalo pero hindi ko 'yon pwedeng gawin dahil mismong siya, may ipinapanalo siyang iba.

Mukha ngang nanalo na, eh.

"Cade, bola!"

Huli na nang mapagtanto kong palapit na sa akin ang bolang pinalo ng kalaban.

Sapul.

"Okay ka lang?"

Putangina unang kahihiyan sa National Television at live broadcast.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na sa noo ko lang tumama iyon at hindi sa ilong.

Lumapit sa akin si Ramirez, iyong open spiker ng kalaban naming team. Yumakap sya at pinalo ang pwet ko.

Hindi naman kami close pero nagkasama kami dati sa UL training, iyong halo-halong players na kasali sa University League. Medyo nagka-kwentuhan kami roon kaya kahit paano masasabi kong mag kaibigan naman kami.

"Sorry, sorry, Cade."

Nag thumbs up ako. "Okay lang, parte ng laro," sabay tawa nang kaunti.

"Sigurado ka?"

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now