Hello, Fillies!
Napaka lakas na po ng hangin at ulan,nawa'y
manatiling ligtas ang lahat sa kani-kanilang mga bahay. Mag-pray rin po tayo na sana maging
maayos na ang lahat at humupa na ang bagyo.
Salamat po! 😇
Enjoy reading:)Strings Not Too Attached 24
✧˚ ༘ ⋆。˚
"Gusto kita, Cadence."
Parang tumahimik nang tuluyan ang paligid ko, at sa oras na ito, kaya ko nang patunayan na talaga pa lang totoo iyong sinasabi nilang tumatahimik ang paligid mo kapag may nag co-confess sa'yo.
Wala na akong pakialam kung may sakit pa ba siya o kung palapit na ang mga kaibigan niya. Gusto kong siguraduhin kung ano ang narinig ko.
"Gusto mo 'ko? Rave?"
Ngumiti sya at pinisil ang tungki ng aking ilong.
"Gusto ko nang umuwi, Cadence," sagot nya. "Iyon ang sinabi ko."
Pero..
Iba ang narinig ko.
Hindi naman ako bingi, ah?
"Pero hindi ako bingi, Rave, alam ko kung anong naririnig ko. Gusto mo ba ako?"
Sabihin mo lang na oo, aamin din ako at sisiguraduhing hindi matatapos ang gabing ito na pareho pa rin kaming single.
"Cade, nahihilo na ako. Gusto ko nang magpahinga."
Malungkot akong tumango.
Wala, nag-ilusyon nga lang siguro talaga ako. Baka naman masyado na akong patay na patay sakanya at nakaka rinig na ako ng mga bagay na gusto kong marinig sakanya.
Hindi ko na ata kayang tukuyin kung ano ang pinagkaiba ng reyalidad at ng ilusyon.
Pero hindi, eh. Malinaw sa pandinig ko kung ano ang narinig ko at sinabi niya pero sige, baka nga talagang namali lang ako ng dinig.
"Kami na bahala kay Rave, Cade. Balik ka na sa training mo."
Nakatingin pa rin sa akin si Rave, parang may gusto pa ring sabihin ngunit piniling huwag na lang ituloy.
Wala na rin naman akong gustong sabihin pa dahil nasasaktan ako.
Iyong narinig kong inamin nyang gusto nya ako tapos biglang sasabihing mali lang ang dinig ko? Para na rin niya akong ni-reject sa sinabi nya at iyon ang bagay na nasasaktan ako.
Paano na lang kung tuluyan akong umamin? Anong isasagot nya? Magagalit sya?
Or worse, pandidirihan nya ba ako dahil imbes na kaibigan ang turing ko sakanya, eh, higit pa roon?
"Una na 'ko, mag pagaling ka."
Hindi ko na hinintay ang isasagot nya o kung sasagot pa ba sya kaya bago pa man sya makapag decide ay tumalikod na ako at nagsimulang mag lakad palayo roon.
Talo na.
Hindi pa man nagsisimula pero sigurado akong talo na. Hindi ko na susubukan.
Nakakatakot nang sumubok.
"Gago umiiyak ka ba?"
Tumawa ako at pasimpleng pinunasan ng towel ang buong mukha.
Tangina bakit nga ba ako umiiyak?
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached (COMPLETED)
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1