Strings Not Too Attached 33
✧˚ ༘ ⋆。˚
"Ayos ka lang?"
Tumango ako. "Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging maayos?"
Bumuntong-hininga lang ito. Hinawakan niya ang kamay ko at pinag salikop ang aming mga daliri bago paulit-ulit na dinampian ng halik.
"Hindi magiging madali, mahal, pero andito ako. Kapag kailangan mo ako sa kahit saan at oras, magsabi ka lang at darating ako."
Alam ko naman kung alin ang tinutukoy niya. Pagkatapos lumabas ng issue noong biyernes ng gabi, ngayong lunes pa lang namin malalaman kung paano tatanggapin ng School ang nangyari.
Sa totoo lang, wala naman akong pakialam. Ang tanging iniisip ko na lang ay si Paulo. Siya ang kaibigan ko at naiintindihan ko ang rason nya kung bakit ganoon ang naging reaksyon nya at bukod doon, wala na akong ni katiting na pakialam sa sasabihin ng iba.
Andito naman sa tabi ko ang taong mahal na mahal ako at rason ng kasiyahan ko. Hindi ko hahayaang putulin iyon ng mga walang kwentang opinyon sa paligid ko.
"Salamat, mahal. Pero don't worry, magiging okay rin ako basta nasa tabi kita," paninigurado ko rito.
Isang beses itong humalik bago kami tuluyang lumabas sa sasakyan nya at agad sinalubong ng mga tingin sa mga estudyanteng nadadaanan.
Hindi naman istrikto ang School sa public display of affection as long as limitado at hindi bulgaran kaya ngayon ay naka akbay ito habang naglalakad kami.
Wala akong panahong intindihin kung anong klaseng tingin ang ipinupukaw nila sa amin pero wala naman akong naririnig na kung anong panghuhusga at sapat na iyon.
"Huwag mo na akong ihatid, sobrang pa-baby ko naman kung hanggang classroom ihahatid mo."
"Eh, bakit? Baby naman talaga kita, ah?"
Ito naman ayaw magpa-awat, kitang hindi ko siya malalaplap dito tapos bumabanat-banat pa nang ganiyan.
"Kung inaakala mong makaka kuha ka ng halik sa mga pa-ganiyan mo sorry ka na lang pero mamaya na pag uwi sa unit," bahagyang naka nguso kong sagot.
Pigil ang ngiti niya. "Unit natin?"
Anong natin? Wala naman akong ambag sa bayad do'n.
"Unit mo," sagot ko.
"Unit na natin 'yon kasi ililipat na natin ang gamit mo roon."
Dahil kakatapos lang ng UL season, pwedeng hindi na muna kami tumuloy sa dorm dahil twice na lang ang training namin. At dahil doon, kinulit ako ng isang 'to na sa unit muna niya tumira at siyempre grasya na ang lumapit kaya hindi ko sasayangin.
"Tama na 'yan, ang sakit niyo na sa mata, eh."
Biglang sumulpot ang naka sibangot pero halatang nang-aasar na si Jacob at Cedrix.
Napa kamot na lang sa kaniyang batok si Rave, nahihiya na sa presensya ng mga kaibigan ko.
Tinulak ko ang mga ito. "Umalis na nga kayo at nahihiya ang mahal ko."
"Putangina talaga hindi na nahiya, ah? In front of me, Cadence, huh? In front of me?"
Si OA.
"Oo, in front of you, Cedrix. Sige na, mauna na kayo."
"Oo na, nakakahiya naman sa bebe time niyong sobrang publicize."
Nauna na nga silang umakyat sa klase habang kami rito ni Rave feeling high school na hindi maiwanan ang isa't-isa kahit para kaming lintang magka dikit mag hapon noong weekend.
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached (COMPLETED)
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1