String 07

13.8K 408 276
                                    

Strings Not Too Attached 07

                                          ✧˚ ༘  ⋆。˚


"Ba't ang tagal nyo? Akala ko mauuna pa si sir pumasok sainyo, eh," tanong ni Cedrix pagka salubong sa amin ni Jacob.

Tinuro ako ni Jacob. "Etong hayop na 'to ang tagal mag-ayos akala mo lalabas na kamukha si Jungkook, amputa!"

"Bakit, pre, pagka labas ko ba hindi ka namalikmata na ako si Jungkook?" tanong ko rito.

Agad nangasim ang mukha nito. "Kilabutan ka naman sana, pre. Alam kong libre ang mangarap pero 'yung makatotohanan naman sana."

"Kaya nga, dinamay mo pa 'yung gwapong kpop sa kapangitan mo," dagdag ni Paulo.

"Hindi nyo talaga matanggap na ako ang pinaka gwapo sa'tin noh?"

Nag kunwaring nasusuka ang tatlo, mga takot talaga malamangan. Ayaw pa tanggapin ang katotohanang ako talaga ang pinaka angat sa hitsura. Hays. Dedma na lang sa bashers basta ako pogi lang.

"Pre, kung may problema ka man i-open mo lang sa'min hindi 'yong nagpapaka stress ka. Tingnan mo pati mata mo lumalabo na, patingin ka ba mamaya?" si Paulo, worried na worried pa ang mukha.

"Libre ko na magagastos mo, Cade, basta luminaw lang mga mata mo. Ang lala na, eh," dagdag ni Cedrix.

Umiling ako at pumasok na sa klase. "Dedma na lang sa mga panget," pasaring ko sa tatlo saka tuluyang pumasok.

Pinagbabatukan ako ng mga ito pagka pasok. Tawang-tawa lang ako at nagpatuloy na naman ang asaran namin hanggang sa dumating na ang prof namin para sa unang klase at nag sunod-sunod na iyon hanggang alas onse.

Nag unat-unat ako pagkalabas ng prof, para akong nangangalay dahil tatlong oras din akong naka upo lang.

"Saan tayo? Kailangan kong tapusin 'yung plate ko. Wala akong nasimulan kagabi, dinaldal nyo ako sa GC eh."

"Nanisi ka pa sa katamaran mo," sagot ni Cedrix.

"Sa lounge na lang tayo, kaunti lang ang tao ro'n," suwestiyon ni Jacob.

"Malamang, exclusive iyon para sa mga engineering at archi students eh," si Cedrix.

Oo nga pala. Iyong lounge malapit sa cafeteria at building ng Education ay exclusive for engineering and archi students.

Bago pa kasi magkaroon ng rivalry ang dalawang department, mayroong naging final project ang dalawang department at collaboration na gawin at iyon nga iyong lounge area.

Para iyong malaking-malaking bahay-kubo na modern style. Sa labas ay may pagka waiting shed ang itsura pero sa loob ay may mga lamesa, upuan, maging sofa at pwede pang mag charge dahil may mga saksakan.

Ginawa raw talaga iyon para rin may tambayan at space ang mga engineering at archi students kapag gagawa.

Talaga namang sa itsura ng lounge area ay komportableng-komportable gumawa. Pwede rin naman ang ibang students lalo kung walang tao, kaya lang sila na mismo ang hindi tumatambay roon dahil mas priority talaga ang engineering at archi students, makikita rin kasi sa uniform kung saang department ka kaya walang lusot.

Ewan ko lang bakit biglang nagkaroon ng rivalry, wala pa akong narinig na dahilan.

"Huwag na ro'n, baka andoon pa ang sugo ni Lucifer. Ang init na nga ng panahon baka lalo pang uminit ang ulo ko."

Ayan na naman sya.

Nag iinarte na naman si tanga, kailangan na naman mag-adjust ng lahat dahil lang sa ayaw nyang makita ang bestfriend nya. Pwede naman nyang isantabi ang galit nya, mapag patol din kasi.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now