Strings Not Too Attached 04
✧˚ ༘ ⋆。˚
Gaya ng napag-usapan namin ni Rave ay sabay nga kaming tumungo pabalik ng Manila. Nag alangan pa nga ako dahil naalala kong wala nga pala kaming napag-usapan kung anong oras eksakto kaming aalis, wala naman akong number nya at ayaw ko naman syang i-add sa Facebook kahit ini-stalk ko na sya.
Mabuti na lang at dumaan ito no'ng tanghali ng Linggo. Sinabi nyang kung pwede raw bang ala singko na kami umalis, wala namang problema sa akin dahil mga alas otso siguradong nasa dorm na ako.
Maaga pa rin 'yon para makapag pahinga. At gaya rin ng plano, nag grab lang kami at nag hati sa bayad.
Buong byahe naman ay ramdam na ramdam ko ang pag doble ng awkwardness sa pagitan namin at hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang nakakaramdam no'n o ano.
Buti na lang at nag ta-try itong mag open ng topic na pwede naming pag-usapan, ginanahan naman ako makipag kwentuhan kaya naibsan naman kahit paano ang awkwardness.
"Dito ka na lang?" tanong nito.
Tumango ako at ngumiti. "Ayan na ang dorm namin, 'di ba malapit lang sa School?" sabay turo ng dorm namin.
Sinilip-silip nya pa iyon bago ibalik ang tingin sa akin. "Yeah, malapit nga."
"Ikaw? Malayo ka pa ba?"
Nasabi nya lang na may condo sya rito sa Manila pero hindi ko alam kung saan. May alam naman akong condominium dito na alam kong afford na afford nya kahit medyo mahal doon.
"Diyan ako sa Redwood, a 10-minutes walk from here at your dorm," sagot nya.
My mouth formed a small O, hindi na rin kataka-taka dahil mayaman talaga sila Rave. Hindi naman iyong mayaman na OA pero Engineer kasi ang Daddy nya na nabanggit nya noon habang Professor ang Mommy nya sa kilalang University rin.
"So, una na ako, ah?"
Tumango sya. "Salamat, Cadence. See you around na lang kapag nagsimula ang pasukan."
Talagang see you around na lang dahil hindi tayo pwedeng mag-usap lalo kung kasama nating pareho ang mga barkada natin. Siguradong gulo iyon.
"Salamat din, ingat ka," bumaba na ako ng sasakyan at kumaway pa sa paalis nang sasakyan.
Nang mawala na ito nang tuluyan sa paningin ko ay dumiretso na ako sa dorm ngunit wala pa ako sa main door nang mag salita na si TJ mula sa kung saan.
"May pa kaway-kaway pa si Cadence, oh! Hindi ka sa Cavite umuwi noh? Sa babae lang siguro 'yan," asar nya.
Binatukan ko sya agad. "Na abnoy ka na naman."
"Sus! Baka magka part 2 ang scandal mo, ah? Pero this time sa sasakyan na."
Scandal amputa.
"Tangina mo talaga! " Napapa iling na lang akong natatawa rito at sabay na kaming pumasok nang tuluyan sa loob.
Marami pa lang umuwi sa amin at ngayon lang din halos nagsipag balikan. Akala mo nga ay isang taon kaming hindi nagkita-kita dahil talagang grabe ang pagbabardagulan nila na pinapangunahan ni Juds.
Alas nuwebe lang nang makatapos akong maligo at kumain. Sa wakas makaka higa na rin at presko pa. Natulog na rin ako.
Kinabukasan ay alas nuwebe na ako nagising dahil nag cancel ng training si coach to give time sa enrollment pero kailangan ko rin maka punta ng alas diyes dahil siguradong marami ang tao ngayon dahil last day.
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached (COMPLETED)
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1