Strings Not Too Attached 06
✧˚ ༘ ⋆。˚
"Anong ginagawa no'n sa'yo? Nang-asar ba gaya ng tropa nyang tarantado?" tanong ni Paulo pagka lapit nila sa akin, nasa naglalakad na si Rave ang tingin.
Saka pa lamang naputol ang tingin ko rito dahil sa boses ng mga kaibigan. Hinarangan ko ang paningin nila at inakbayan sila paalis doon, patungo sa building namin.
"Kaibigan ni Tristan 'yon, 'di ba? Ayon ba 'yong Ishan?" tanong ni Cedrix.
Umiling ako. Siguro iyong tropa pa nila ang tinutukoy ni Cedrix, iyong pinaka tahimik lang sakanila. Madalas ko na 'yong nakikita kahit noon, hindi pala kilala nila Cedrix.
"Hindi, si Rave 'yon. Iyong isang kaibigan ata nila ang tinutukoy mo."
Tumaas ang kilay ni Jacob, natatawa.
"Kilalang-kilala, ah? Circle mo?"
Ngumiwi ako. "Tanga ka? E 'di ba kinausap ko 'yong Rave no'ng enrollment? Kaya nga pumutok ang butchi nyang si Paulo 'di ba?"
Paninindigan ko na itong pag de-deny na magkakilala nga kami ni Rave. Sinabi naman nyang ayos na iyon sakanya basta reply-an ko raw sya.
Ang tanong, saan naman? Wala naman syang number ko, ah? Hindi rin naman kami friends sa kahit na anong social media.
Atsaka iyong....towel ko nasa kanya. Paano nya 'yon ibabalik? Malamang ibibigay sa akin pero paano? Paano nya ibabalik nang hindi nakikita ng mga tukmol?
Buong araw ko pa namang kasama ito maliban na lang kapag training o nasa dorm na ako.
"Oh bakit ka raw nya nilapitan?"
"Hindi sya lumapit, Pao. Nagkataon na pareho kaming naghuhugas ng kamay, binati nya lang ako kaya binati ko rin. Maayos namang nakipag usap, eh," sagot ko, iyon naman ang totoo pero halatang inis ito at hindi kumbinsido sa sagot ko.
"Baka nakakalimutan mong Engineering ang department no'n, Cade? Paalala lang, ah? Atsaka tropa sya ng sugo ni Lucifer, baka nga 'yan ang kanang-kamay nya, eh."
Hinawakam ko ang balikat nito para kumalma, masyadong mainit ang ulo nya. "Maayos syang bumati, Pao. Hindi naman ako bastos para mag hamon ng suntukan dahil lang sa engineering student sya at tropa sya ng bestfriend mo."
"Bestfriend amputa! Corny mo, boy! Tara na nga lang," aya nito.
Pumasok na kami sa building at umakyat sa room namin pero bago pa kami tuluyang maka pasok sa huling klase namin ay inakbayan ako ni Paulo at binulungan. "Hindi mo naman siguro kinakaibigan ang grupo ni Tristan, 'di ba?"
"Hindi, ah!" tanggi ko.
"Mabuti kung gano'n."
Bigla tuloy akong napa-isip na hindi talaga magandang ideya kung malalaman nitong magkakilala kami at mag kaibigan.
Sa kabilang banda, kung sakali ngang malaman nya, ano naman? Buhay ko naman ito, siguro naman may karapatan ako kung sinong kakaibigan ko sa hindi, 'di ba?
Isa pa, nauna si Rave maging kaibigan ko bago sila. Mas iba lang 'yong closeness ko ngayon sakanila kumpara sa closeness namin ni Rave.
Pero, mas mabuti na rin sigurong walang nakaka alam para iwas gulo. Okay na rin siguro iyong kami lang ang nakaka alam na magkakilala kami, panatag naman na ako dahil nakapag-usap na kami.
Nasa kanya pa nga ang towel ko, 'di ba?
Mabilis natapos ang dalawang oras na pang huling klase namin sa araw na 'yon. Major subject kasi 'yon kaya gaganahan ka talaga kung ayaw mong ma tres ngayong second semester kaya hindi pwedeng patulala-tulala ako.
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached (COMPLETED)
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1