Strings Not Too Attached 34
✧˚ ༘ ⋆。˚
Nagpapatugtog ako habang tinatapos ang last plate ko para sa midterm project namin sa isang subject bukas.
Noong natapos ko na, hindi pa rin tapos sina Rave at ang mga ka-grupo niya sa ginagawa kaya inaksaya ko na lang ang oras ko para mag buklat ng mga libro dahil sa huwebes at biyernes na ang midterm exam.
"Gago! May tinuro bang gan'to?"
Parang baliw kong kinakausap ang sarili ko habang binabasa sa libro ang lessons na prinovide ng isang prof namin para mag silbing pointers to review.
Sa bawat buklat ko nga ng libro ay pakunot nang pakunot ang noo ko dahil wala akong natatandaang itinuro niyang gano'n.
Laro 'to si sir, ah? Imbento ng lesson.
Mag a-alas onse na nang maka tapos ako sa pagbabasa ng dalawang subject. Pwede na 'to.
Hindi pa rin ba sila tapos? Gusto ko nang matulog pero gusto ko muna ng konting bebe time dahil nakaka pagod ang araw na 'to.
Kukuha sana ako ng kape sa kusina pero sumilip muna ako kung anong ginagawa nila.
Nasa dining table sila at doon naka kalat ang iba't-ibang klase ng pamilyar na mga materyales na kahit sa kurso namin ay gamit na gamit.
Busy sila lahat sa pag gawa no'n. Kusang dumapo ang tingin ko kay Rave. Sobrang attracted talaga ako sakaniya lalo kapag ganito siya ka-seryoso sa ginagawa niya.
Ang hot niyang tingnan habang hasak ang isang ruler. Dahil sa ruler, may naalala akong halos kasing haba na no'n.
Putangina mo, Cadence, mag kape ka na nga at kabahan ka naman sa mga iniisip mo. Nagpapaka puyat at pagod 'yung boyfriend mo para maging successful Engineer tapos ikaw puro kalibugan ang nasa isip.
Lalabas na sana ako nang tuluyan nang mapansin ang mapungay na tingin ng babaeng katabi ni Rave.
Maganda naman sya, mukha ring matitipuhan ko kung hindi pa ako bumabaliko pero kung ikukumpara ko ito sa boyfriend ko, walang-wala na ito.
Nanliit ang mga mata ko nang kagat-labi itong tumitig kay Rave, naroon pa rin ang namumungay na mga mata.
Naka drugs ba 'to? Adik ata, e.
Hindi naman sya napapansin ng iba nilang ka-grupo dahil masyado silang tutok sa kaniya-kaniyang ginagawa.
Bakit ang isang 'to walang ginagawa at nakukuha pang titigan si Rave? Hindi ko sya ka-grupo pero ramdam ko 'yung bigat niya.
"Aba't—"
Muntik na akong mapa sugod nang makita kong unti-unti itong pumikit na may halong ngiti bago isinandal ang ulo sa balikat ni Rave.
Tangina. Daig pa ako kung dumamoves? Nasaan ang kahihiyan?
May asawang tayo na 'yang kinakalantari mo, ate. Itigil mo 'yan.
Tinitigan ko nang malala si Rave kahit alam kong wala namang magagawa ang titig ko dahil hindi naman niya alam na narito ako at nasasaksihan ang mga kagaguhang ito.
Mabilis naman siyang umayos ng upo kaya gumalaw ang ulo ng babae.
"Kung inaantok ka, matulog ka na. Hindi kama si Rave, makita ka ni Cade riyan, siguradong mararamdaman mo ang palo ng volleyball player."
Hindi ko inaasahang sasabihin iyon ni Ishan at ang mas nakaka mangha roon, e, sinabi niya iyon nang hindi itinitigil ang ginagawa na parang wala lang iyon pero na obserbahan niya.
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached (COMPLETED)
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1