String 01

21.6K 526 169
                                    

Strings Not Too Attached 01

                                         ✧˚ ༘  ⋆。˚

"Si Paulo?" tanong ni Cedrix pagkabalik ko.

Nginuso ko ang dance floor, kitang-kita ang suot niyang puting jacket habang may kasayawang babae roon. Mission accomplished na si tanga.

Makahulugang tumingin sa akin si Jacob at Cedrix sabay ngiwi sa likuran nila, sila kasi ang magkatabi at nasa likuran nila ang table nina Tristan habang sa kamalasan, kaharap naman namin sa pwesto namin ni Paulo ang table nila.

Naka salubong ko ng tingin si Rave. Mukhang gaya ko, nabigla rin siyang makita ako. Ang liit talaga ng mundo.

Hindi ko na tinagalan ang tingin, wala namang dahilan para mag tinginan.

Kabaduyan.

"Hayaan nyo na sa baba 'yan at huwag na masiyadong painumin, baka magwala pa 'yan dito lalo't kalapit pa natin ng table ang kinagagalitan niyan," sabi ko sabay lagok ng alak.

Pait.

Tumango naman si Jacob. "Hindi talaga maiiwasang makita 'yang mga 'yan, iisa lang naman tayo ng University. Paulo should get used to seeing his rival," sabi ni Jacob sabay tawa.

"Eh, sa OA no'n? Hindi niya 'yon maiisip, hindi nya alam na nag e-enjoy pa iyang isa riyan na asarin sya lalo't nakikita na naiirita nga sya," sabi ko.

"Mana 'yon sa'yo, maliit ang utak, Cade."

"Gago ka, ah?"

Humagalpak ito ng tawa sabay abot pa sa akin ng alak. Ito na naman 'tong hayop na 'to, balak na naman akong lasingin. Bakit hindi si Jacob ang pag diskitahan niya?

Maya-maya umalis din si Cedrix at nakita naming may kasayaw na rin, napa iling na lang kaming dalawa ni Jacob. Kami na halos ang maka ubos ng alak dito.

"Naglalaro yata tayo ng paunahang masiraan ng atay, pre, eh," sabi ko.

"Ikaw na ang panalo, walang duda," sagot naman nya.

Himala atang walang babaeng ka hook-up 'to? Imposible 'yon. Si Jacob ba talaga ang kaharap ko? Iharap nyo sa'kin ang totoong Jacob, sigurado akong hindi sya 'tong kainuman ko. Hindi iyon nakaka tagal sa gimikan nang walang kahalikan o kasayaw na babae.

"Musta training, pre? Pasakit ba?" natatawa niyang tanong.

"Sakto lang. Minsan, oo, minsan naman hindi."

Minsan oo kasi gusto ko rin humilata buong semestral break pero may training at kailangan pang gumising ng maaga. Kahit din tinatamad ka kailangan mong mag-gym, kahit hindi ako spiker talon din ako nang talon.

Pero madalas naman hindi, pangarap ko 'to, eh. Gusto ko ito kaya kahit mahirap, masarap din sa pakiramdam. Dati pangarap ko lang 'to, pangarap ko lang dati ang Eastern University tapos ngayon kasali na ako at mag s-starting setter pa this season.

"Eh, mga teammates mo? Kasundo mo naman?"

Ano ba naman 'tong si Jacob! Sa isang taon kong naglalaro at nag te-training sa college mvt hindi sya nagtanong tungkol dito. Madalas pa ngang pang-aasar ang sinasabi nya dahil nga sila nagpapahinga tuwing holidays at sem break pero ako nag t-training.

Bakit naman bigla syang nagtatanong? Concern na tropa?

"Kasundo ko naman, bakit? Sasali ka ba, pre?"

Binato ako nito ng tissue. "Wala ka talagang kwentang kausap, nagtatanong nga ako para manuntok kapag may umaapi sa'yo ro'n."

"Umapi amputa! Kayo pa nga ang umaapi sa akin, tangina nyo! Tigil mo 'yan, Cob, hindi bagay."

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now