String 05

15.3K 427 127
                                    

Strings Not Too Attached 05

                                        ✧˚ ༘  ⋆。˚

Kagaya ng napag-usapan ay kaniya-kaniyang alis na kami. Si Paulo ay sumabay kay Cedrix habang ako naman kay Jacob.

"Saan ba ang punta mo, pre? Sa kabila ka, ah?" iba kasi ang way papunta sa condo nito, ako lang naiiba palagi dahil pare-pareho na sila ng way pauwi.

"May dadaanan lang ako sa malapit. Bakit? Ayaw mo no'n, 'di ka na maiinitan?"

"Wala naman, nag taka lang ako. Feeling ko babae 'yang pupuntahan mo na 'yan, may malapit pa namang motel lagpas sa dorm," asar ko.

Umiling ito. "Nagbago na ako, for the better."

Buti wala akong kinakain ngayon kung hindi mabibilaukan ako sigurado. "Wow, changed man. Tangina mo wala kang maloloko, ibaba mo na nga ako."

Hininto nito sa harap mismong harap ng dorm ang sasakyan saka ako hinampas sa dibdib. "Totoo nga, gago! Ba't ba ayaw mo maniwala? Hindi ba pwedeng magbago?"

"Wala na kayong pag-asang tatlo magbago, pare-pareho ang mga likaw ng bituka ninyo. Ingat na lang, pre, gamit ng protection, huh? Kapag walang pambili, tiisin ang kati," saka ako humalakhak at lumabas ng sasakyan.

Kinatok ko lang ng tatlong beses ang sasakyan nito senyales na papasok na ako. Umalis na rin naman ito at hindi na nag tagal. Alas dos pa lang ng hapon, mahaba pa ang oras ko para makapag pahinga. Iidlip muna ako.

"Wow, fresh na fresh! May lakad kayo?"

Naka salubong ko si Captain at si Terrence, parehong pormado. Mas pormado si Terrence, simple lang kasi ang porma ni Captain pero dahil alam kong mayaman, siguradong mamahalin ang suot atsaka kahit simple lang ang damit malakas pa rin ang dating.

Mas matanda sila pareho sa akin ng isang taon, pareho na silang third year at third playing year na rin nila ngayong upcoming season. "Magkaiba kami ng lakad ni Cap, may date kami ng girlfriend ko. Monthsary namin," sagot ni Terrence.

Ano pa nga ba? Ang hindi mamatay-matay na sanaol.

"May pupuntahan lang ako riyan sa malapit. Sige, una na ako," naunang mag paalam si Cap bago sumunod si Terrence.

Nang dumating ako sa room namin ay wala roon sina TJ at Theo na mga ka-roommate ko. Mahaba kasi ang pila sa enrollment kanina sa BSBA kaya siguradong andoon pa rin iyong dalawa. Solong-solo ko pala ngayon ang kwarto.

Dahil nanlalagkit, nagpasiya akong maligo muna bago umidlip. Nang matapos ay kaunting cellphone lang at nood ng kung ano-ano bago umidlip.

***

Kinabukasan balik kami sa training, mag hapon iyon hanggang sabado. May rest day ng Linggo pero hindi na rin ako umuwi ng Cavite dahil first day na ng pasukan sa Lunes.

Hindi naman pwedeng absent ako agad dahil kapag Archi student, madalas may ibinababang activity o plate na kahit first day. Proven and tested na 'yon dito sa E.U, ewan ko lang sa ibang school.

"Kailan daw ang opening, Coach?"

"Last week ng February pero tayo baka first week na ng April, uunahin muna ang basketball bago ang volleyball."

Medyo matagal pa, almost three months pa dahil mag Fe-february pa lang naman next week. Ang bilis talaga, hindi mo mamamalayan nasa semis na at naghahabol na ng points para sa ranking ng finals. At konting buwan na lang, third year na rin kami nina Cedrix. Ang bilis nga.

Nang mag linggo nga ay tumawag na ang mga gago sa gc namin, nagtatanong kung sabay-sabay raw ba kami.

"Malamang, tanga ka ba? Eh, magkakaklase tayo, eh," sabi ni Cedrix kay Jacob.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now