String 17

11.5K 406 215
                                    

Strings Not Too Attached 17

                                          ✧˚ ༘  ⋆。˚


"Iyong huling pinuntahan na lang natin ang kuhaan natin ng mga materyales, naka lista naman na ang mg kakailanganin at kung magkano, 'di ba?"

Tumango ito. Kumpara sa kaninang busangot niyang mukha, ngayon ay normal na ang ekspresyon niya. Nag inarte lang ata si gago kanina.

"Balikan natin bukas, kakausapin ko ang mga kaibigan ko para sa bayad. Kausapin mo na rin ang mga kaibigan mo."

Nahati na rin namin ang schedule maging ang gagastusin sa lahat ng materyales. Bibilhin na lang at ide-deliver sa University, may permit na rin naman galing sa school na pwedeng ipasok iyon.

"Hindi ako pwede bukas."

"Bakit?"

"May practice match kami sa isang University sa Cavite, iyong University na malapit sa school natin no'ng high school?" tanong ko, baka naaalala niya pa.

Tumango siya. "Oo, naalala ko. Ilang araw kang wala?"

"Baka isang taon," pagbibiro ko, seryoso pa rin ang mukha.

Kita ang gulat sa mukha nito. Bakit naman parang ayaw niya? Mami-miss niya ba ako?

"Isang taon? Bakit naman ang tagal?"

Amp. Naniwala.

"Bakit? Mami-miss mo 'ko?" biro ko.

Tumitig muna ito pero ilang minutong hindi sumagot. Tipid akong nangiti.

Bakit pa ba ako nag-expect? Syempre hindi niya ako mami-miss, sino ba kasi ako, 'di ba?

Asa pa more, Cadence!

"Sige na, bababa na ak—"

"Oo."

Huh? Oo raw? Oo raw at mami-miss niya ako?

Tangina.

Patayin niyo na ako, ngayon na. Hindi na ako makahinga, parang nasu-suffocate ako kahit may hangin naman sa loob ng sasakyan nya.

Hindi ko na pinilit ipaulit sakaniya ang sinabi dahil ayokong isipin niyang binig deal ko pa. Baka rin mali ang dinig ko dahil mahina lang ang pagkaka sabi niya no'n.

Tama tama, baka delulu lang ako.

Kahit parang ayaw pa ng katawan kong umalis sa sasakyan niya, pinilit ko. Kailangan ko pang mag training. Ayos na rin dahil kanina habang nagmamaneho siya, ginamit ko ang oras na 'yon para pagmasdan siya.

Hindi pa naman ako gano'n ka patay na patay sakaniya para mangulila ng isang araw sakaniya, 'di ba?

"Bilis, team, may hinahabol tayong oras."

Alas kuwatro ang call time namin ngayon dahil pagdating doon ng ala sais ay may isang oras lang kaming warm-up tapos ala siyete ay practice match namin sa unang team.

Dalawa kasi ang MVT ng University na makaka laro namin, though, hindi sila kasali sa schools na nagpa-participate sa University League.

Sabi ni coach, makaka tulong din 'to sa school na makaka laro namin dahil dito malalaman kung sino ang mga magiging final player nila para naman sa upcoming Local College League, doon sila kasali.

Noong akala ko hindi ako makakapag-aral sa Manila at mananatili lang sa Cavite, balak ko rin talagang dito sa school na makaka laban namin mag-college.

Advance nga ako mag-isip no'n at inisip ko na agad kailan ang try-out at kompiyansang tanggap agad ako at makaka laro sa LCL.

Pero mabait talaga ang tadhana. Akalain mong hinayaan ako ni nanay sundin ang pangarap ko. Tumuloy ako sa Manila para sa college, swerte naman na nabigyan ako ng pagkakataon maging scholar nang maka pasok sa team.

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now