String 37

14.6K 375 139
                                    

Strings Not Too Attached 37

                                          ✧˚ ༘  ⋆。˚


Dumadagundong ang buong Arena sa hiyawan na nanggagaling sa magkabilang panig. Napupuno ng dalawang kulay ang aking paningin.

Dilaw at Asul.

Western University at Eastern University.

Pagkatapos ng ilang taon, kami ulit ang naglalaban pero ang pinagkaiba ngayon ay last playing year ko na at...

"Laban, guys, para kay kapitan!"

Ako na ang bagong captain.

Last season ang huling laro ni captain Bryce dahil ahead siya sa amin ng isang taon. Nabigo kami no'n iparanas sakaniya ang championship title pero nanatili naman siyang MVP sa buong season.

"Ilaban natin para sa Eastern Community!" sagot ko naman.

Fifth set na at tila nauulit lang lahat ng pangyayari sa loob ng ilang taon naming pagtatapat ng Western University sa finals.

Pero gusto kong ilaban. At alam kong lahat kami ay lumalaban.

Tiningnan ko ang kaliwang side ng audience at nakita ang buong pamilya ko. Narito na si nanay, ang kambal, maging sina Tita at Tito Julius.

Sa kabilang dako, kitang-kita ko ang mga kaibigan ko na sumasabay sa hiyawan at cheer ng katabi nila na kapwa mga naka dilaw.

At sa huli, iyong pares ng mga matang sa akin lang din naka tingin.

Nag thumbs up ito at ngumuso, tila nanghihingi ng halik.

"Mamaya," ang sabi ko nang hindi lumilikha ng tunog.

Tumango naman sya at ngumiti sa akin.

Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayong taon at ngayong season. Tama nga talaga ang sinasabi ng ibang seniors namin na iba ang dedication mo mag laro kapag last playing year mo na.

Simula pa kanina sa first set ay hindi na ako nilabas ni coach at nakaka ramdam man ng hingal at pagod, agad din iyong napapawi sa hiyawan at suporta ng mga tao sa loob ng Arena.

"Ganado na 'yan si Cadence, ikaw ba naman ngitian ni Raven Verancia."

Pabiro kong itinaas ang kilay ko. "Oh, akin na 'yon, ah?"

Tawang-tawa si Theo na hinampas pa ako. "Oo, pre, alam naming lahat. Sa'yong-sa'yo lang 'yan, wala kang kaagaw."

"Mabuti na ang malinaw," dagdag biro ko.

Masaya akong napag-uusapan namin ang relasyon namin ni Rave sa komportableng paraan. At kahit kailan naman ay hindi nila pinaramdam sa akin na hindi nila suportado ang kung anong mayroon sa aming dalawa.

Sa huling pagkakataon, muli kong naka harap si Baltazar.

Bakit kasi itinuloy niya pa ang last playing year niya? Dapat tumambay na lang sya sa bahay nila, e.

"Sa wakas may isang bakla na ang makaka alis ng University League," panimula nya.

Ngumisi ako. "Sorry na lang, bro, pero mag po-pro pa ako."

"Kung may kukuha sa'yo."

Ah, talaga? Kung isampal ko sakaniya ang dalawang big mvt na nag offer sa akin ng contract?

"Talagang meron, namimili na nga ako, eh. Ikaw ba? May kukuha ba sa ganiyang ugali?"

"Ang dami mong sinasabi, bakla ka naman!"

Strings Not Too Attached (COMPLETED) Where stories live. Discover now