Chapter Thirteen

988 49 5
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"Hoy tulala ka na diyan." Nagulat si Amory nang pabirong itinulak siya ni Ron habang siya ay umiinom ng tubig sa tumbler niya. He was thinking about what happened last night.

Talagang nauna siyang matulog kay Sebastian and when he woke up he was not there anymore kaya umuwi nalang siyang mag-isa. Grabe wala man lang breakfast in bed at hindi talaga uso sa kanilang dalawa ang proper communication. Pagkatapos nitong mukbangin ang labi niya kagabi basta basta nalang siya nitong iniwan sa umaga. Isa itong guwapo at matcho pero naglalakad na red flag.

Pero sige he is in it for the thrill. Joke. Pag nabasag talaga puso niya punta nalang siyang heaven. Hindi, joke lang ulit.

They are currently practicing volleyball at medyo sabog talaga siya. Bettina and him was chatting earlier at naikuwento niya dito na nagkiss sila ni Seb. He doesn't know what's with this girl pero napakadali niyang nag-open up dito. She was all out supportive sa kahabingan niya. She even told him na baka nagugustuhan narin siya ni Seb because why on the earth would he kiss him.

Pero parang mali ang samahan nila ni Bettina dahil pareho ata silang delusional.

"Ron..." he trailed off, tumaas naman ang kilay nung isa habang umiinom sa tumbler na ininuman niya kanina.

"Ano?"

"Bakit..." napabuntong hininga siya at umupo sa bench habang pinupunasan ang nagpapawis na noo.

"Ano nga? Tangina naman."

"Bakit ang buraot mo tangina tumbler ko yan eh." Ani niya at inagaw ang iniinumang tumbler kanina sa pagkakahawak nito.

"Damot mo!" Inagaw ulit nito ang tumbler at uminom roon habang tumatakbo palayo sa kaniya.

Naiinis na hinabol niya naman ito. Seriously, hindi dapat sila nagsasayang ng lakas sa paghahabulan ngayon dahil pudpuran ang nangyayaring practice nila dahil sa paparating na big game outside the campus.

They were joking and playing around the whole break time kaya pagod na pagod siya noong practice game na nila.

When they were done nagkayayaan pa ang mga itong magclub. Ang aangas talaga, mga walang kapaguran. Wala narin siyang choice kundi sumama dahil wala naman na siyang gagawin sa bahay nila dahil hindi pa bumabalik ang mommy niya galing probinsiya at mag-isa lang siya.

Napabuntong hininga siya dahil sa pagbigat ng dibdib niya nang maalala ang kinakaharap na namang problema ng pamilya nila. The last time his mom called sinabihan niya na itong hiwalayan na ang kaniyang dad because she was crying dahil ayaw daw ng dad niyang hiwalayan ang kabit nito ngayon. She was being hysterical dahil baka raw nabuntis na nito ang babae.

She was begging him to talk to his dad na parang ayaw niya ng gawin—he had enough of this shitty situation. This is the point in life where his mom should stop begging for scraps because she deserves the whole wide world. Ayaw niyang kausapain ang dad niya because he might lose the tiny bit of repect he has for him. Ayaw niyang at the end of the day he will be the sleepless one for feeling guilty dahil nagawa niyang sabihan ng masasakit na salita ang tatay niya kahit naman deserve nito.

He is that kind of person. And right now, he wants to shelter his mom from all the pain but she doesn't listen, that's why sabi nga ng mga tito niya hayaan nalang ito hanggang mapagod because she somewhat deserves what she tolerates. Mapapagod din daw ito sa paghahabol sa dad niya.

"Tara." Aya ni Ron kaya sumakay na siya sa passenger seat ng sasakyan nito. Ang ibang teammates nila ay kaniya kaniyang ng sakay at angkas sa ibang sasakyan. Sila nalang ni Ron ang natira sa may court dahil binalikan pa nito ang wallet sa loob.

BL: AIMING FOR YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon