Chapter Nine

1.2K 61 6
                                    

The penthouse was huge and spacious but the situation felt too much for him. Kailan ba sila magkakamomment na sila lang ni Sebastian?

Why does this people always tag along?Wala bang ibang pinagkakaabalahan ang mga ito kung hindi ang isa't-sa? Joke.

The only time they were alone together was when Seb drove his car to the Penthouse, duon rin sila naging close ni Craig.

What he learned today is that Bettina is a very important person to this crowd. Noong naghandshake palang sila ay naramdaman na niya ang pagiging protective ng circle na iyon sa babae.

"I learned about you from Craig, that's why I wanted to meet you and it is so nice to see you accepting my invitation." Ani Bettina mayamaya pagkatapos niyang makaupo sa tabi nito sa mahabang sofa. Nagsitayuan ang mga dating nakaupo duon at lumipat ng puwesto.

Anong accepting her invitation?Wala nga siyang kamalay-malay na naruruon ito. He thought he was going to be alone with Sebastian!

Ngumiti siya rito. Wala na naman siyang magagawa dahil nanduon na siya so he might as well show her his charms so she will like him for her friend.

"It's nice to see you again too, you're really pretty and nice." Nakita niya ang pagtataka nito sa nauna niyang sinabi kaya agad niya iyong sinundan ng paliwanag. "I saw you at the volleyball court before and at the team dinner before this meeting."

Realization strike her and her eyes and mouth formed into a circle. Cute. "Oh! That's why you were so familiar! Kaibigan and teammate ka pala ni Elijah." Naging malungkot ito at the mention of his Captain's name.

He felt the cold air brush pass his skin kaya napalingon siya sa ibang kasama nila and everyone has this dark look on their faces. Para bang may nagawang kasalanan si Elijah sa mga ito.

He wanted to ask kung ano ang relasyon nito sa captain nila but the atmosphere became so heavy so he just warily nodded and smiled.

"Anyway today's a birthday party that's why we should celebrate!" Itinuro nito ang kuya ni Craig and said. "It's this grumpy man's birthday today, Amory."

Nanlaki ang mga mata niya at nahihiyang bumati. "Happy birthday po." Na tinanguan lang ng binata.

"Yeah. Let me take Amory to eat first, mamaya na kayo mag-usap." Sabat naman ni Craig.

Inakbayan siya ni Craig at hinatak papunta sa buffet sa gilid ng dining room. Nakaorganize ang lugar duon kagaya ng nakikita niya sa magazine tuwing birthday ng mayayaman. But it was an intimate celebration dahil nga sa sila sila lang ang naruruon.

Silang dalawa lang ni Craig an nanduon the others had moved outside into the pool side at parang may mga balak maligo.

"What the hell." He breathed out as soon as napag-isa sila ni Craig.

Narinig niya ang pagtawa ni Craig.

"Bro, bakit invited ako sa birthday ng kuya mo and bakit mo ko kung kani-kanino lang tsini-tsimis?" Inabutan siya nito ng babasaging plato.

"She was asking why I was not around most of the time and I told her that I was hanging out with you. Si Donatello ang nagsabi ng 'Oh the guy with guts na magustuhan si Seb?'" parang ginaya pa nito ang pagsasalita ng kaibigan sa huling linyang sinabi.

"Don't worry dude, Bettina is a really nice girl."

Tumango siya at kumuha na ng pagkain. He already ate at the pub before coming here pero grabe ang gagandang tignan ng mga pagkain dito.

"Wow. Ang dami niyan mauubos mo yan? The buffet table won't leave balik ka nalang ulit. Napaghahalatan ka talagang PG."

Sinimangutan niya ito at walang pakealam na kumuha ng isa pang plato para sa dessert. Pagkatapos ay tinulungan siya nitong dalhin ang mga napiling pagkain papunta sa dining table roon.

"You won't eat?" Umiling lang ito. "Okay."

The whole time he was eating nasa harap niya lang si Craig at sinamahan siya nito. Ngayon lang talaga siya naging grateful sa unsought presence nito. He feels extremely out of place right now pero dahil nanduon ito at sinasamahan siya, he felt somewhat comforted.

"By the way, anong plano mo?" Tanong nito nang kumakain na siya ng dessert.

"Plano para saan?"

Inikutan siya nito ng mga mata. "To make Sebastian like you!"

"Huh? Kailangan pala ng plano kapag ganun?"

"Yeah. Are you serious? How do you think he'll like you back?"

"I thought he will just fall in love with me if he sees me all the time." Sabi niya habang iniisang subo ang isang maliit na slice ng cheese cake.

"What! That's so ridiculous."

"Grabe naman. Hindi ba ako kagusto-gusto?" He was really offended by his reaction.

"Hindi ka prinsesa sa fairytale dude, how can you make an impossible thing happen in real life? Simple answer, make a good plan to make it possible!" Nanggigigil na talaga ito sa kaniya at kulang nalang ay idukdok siya nito sa mesa.

"Sobrang invested mo talaga samin no? Do you like me for your friend?"

"Hindi sa gusto kita para sa kaniya. You like him and you are my friend too, that's why you have to atleast make an effort to make him like you. Pag ayaw talaga edi don't. That's how life is." Medyo natouch naman siya sa sinabi nito.

"Pero bakit hindi mo ko gusto para sa kaniya?Parang napipilitan ka pang imotivate ako eh."

"Sebastian's life is complicated enough; he has lots of responsibilities laid out for him in the future. And kapag naging kayo talaga he will have to deal with the consequences of it."

Natahimik naman siya sa sinabi nito at nag-isip. It didn't cross his mind.

"Don't think deeply about it. Hindi naman ata magiging kayo." Napabusangot na naman siya sa sinabi nito.

"Tangina mo kamo." Tinawanan lang nito ang pagmumura niya.

"Anyway, I think mga midnight uuwi na kami because hindi puwede masyadong magpuyat si Bettina dahil may flight siya bukas at ihahatid siya ng lahat. Si Sebastian lang ang maiiwan dahil may nakaschedule itong conference early morning tomorrow."

Kumunot ang noo niya dahil hindi niya alam kung saan papunta ang sinasabi nito.

"Maiwan ka dito."

"What? Papano naman ako maiiwan dito? Sebastian won't allow it."

"He will. Trust me." May ngiting may kabuluhan pa ito.

His heart started beating fast at the thought that Sebastian and him would finally be alone together.

Pagkatapos niyang kumain ay pumunta na sila sa poolside kung saan naroon ang lahat.

He was in awe at the scenery infront of him. It was so beautiful, the night light coming from the city and the blue water in the pool, and the topless Sebastian—everything was beautiful.

He became frozen at his place admiring the gorgeous being in front of him. Napahawak pa siya sa dibdib niya because it was beating so fast— that it was becoming painful.

How can God create a creature who's perfectly defined like this?

Sebastian Mikhail Astor... just by existing is making him fall harder in love.

---------------

Thank you po for reading! Please leave a comment and vote po.

Please leave a vote.

BL: AIMING FOR YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon