Chapter Five

2.1K 92 15
                                        


"What are you doing?" Nakakunot ang noong tanong ni Sebastian sa kaniya dahil nakangiti lang siya sa harap nito.

"Hindi mo naman sinabi na manonood ka. Hindi sana ako nagpalate so you can watch me play early." Nangngiting nameywang siya sa harap nito.

Mas lalong kumunot ang noo nito. "Are we close?" Narinig niyang tumawa ang mga kasama nito sa naging tanong kaya napabusangot siya.

"Edi don't." Naiinis na tinalikuran niya ito at lumapit kay Ron na umiinom ulit ng tubig sa may bench. Madali naman siyang kausap, for now.

Ayaw niya kasi ngayong magpalipad hangin dahil nakakabuwisit ang mga kaibigan nito. Tsaka nalang pag sila nalang dalawa.

"Kilala mo ang mga 'yun?" Nguso ni Ron sa pinagmulan niya.

"Ikaw ba hindi? Good for you. Pinagpala ka ni Lord." Hinagisan naman siya nito ng damit sa mukha.

"Heh! Magdamit ka nga baka mapulmonya ka pa niyan."

He acted touched. "Hala, grabe ka naman, papa Ron, ipapahiram mo sa akin ang jersey mo? Such an honor." Ibinandera niya pa ang hindi pa nasusuot na jersey shirt na mukhang extra lang nito.

Isinuot niya yun dahil tinatamad na siyang kunin ang mga gamit niya sa kabilang bench dahil andun pa ang mga asungot. Except kay Sebastian of course, guwapo kaya ng baby niya.

The shirt has number twenty-nine at ang apelyidong Manalo sa likod, surname ni Ron.

"Resume na daw sabi ni Coach!" Sigaw ng isang teammate niyang si Rudolf kaya nagsilapitan sila sa bench kung nasaan ang kanilang Coach at pinalibutan ito. Sebastian and his friends were still there at hindi parin bumabalik ang kanilang Captain. Mukhang hindi pa tapos mag-usap ang mga ito.

"Wala pa si Cap, Coach." Ani Ron. Tumango lang ang kanilang coach and continued giving instructions to them.

He is a middle blocker, at sabi ni Coach ipractice niya pa daw ang spike pag may pagkakataon sa buong game duration.

Itinali niya muna ang bangs niya dahil medyo nasasaktan ang mga mata niya pag tumama ang mga ito. He then entered the court.

Nilingon niya ang kinapupuwestuhan ni Sebastian at ngumiti ulit rito. He just frowned at him, then crossed his arms and leaned towards the post nang hindi tinutugon ang ngiti niya.

Hmp... sungit. Mapapasaakin ka rin.

The whole practice game duration, binigay niya talaga ang lahat ng kaya niya. He was all out dahil nga may pinasisikatan.

Nakipag-sub muna siya nang sobrang pagod na ang nararamdaman niya, his breathing wasn't normal anymore. Nanghihinang lumapit siya sa bench at umupo roon. Grabe, naubos ata enerhiya niya sa push-up kanina.

"Kaya?" Tanong ni coach na tinanguan niya lang.

"You're so weak, Villegas. How are you going to seduce our good friend when you're way too frail?" Nilingon niya ang nagsalita, at si Donatello ito, katabi ang kaibigang nakipagpustahan sa kaniya noon sa club—about sa one-month bet na mukhang matatalo nga siya.

Sinimangutan niya lang ito. "Close ba tayo? Bakit nakikipag-usap ka sakin?"

Tumawa lang si Donatello, treating what he said as a joke. Pero seryoso siya sa tanong niya.

"You're so frail, how will you be able to handle Sebastian?" Inulit lang nito ang sinabi.

Ngumisi siya kay Sebastian. He was already on his phone at hindi nito inabala ang sarili sa pakikinig sa nonsense nila.

BL: AIMING FOR YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon