CHAPTER THIRTY-SEVEN
Nakaluhod si Amory at Sebastian sa harapan ng lolo ni Amory sa loob ng study room nito. Naroon rin ang kaniyang abuela at ang kararating na kaniyang mommy at daddy.
Sobrang pula ng mukha ng kaniyang lolo at parang aatakihin na ito sa puso, paano ba naman kasi nakita silang magkapatong at naghahalikan ni Sebastian.
"Alam mo ba ang tungkol dito Alfredo?" Tanong nito sa kaniyang daddy.
Nag-aalalang tumingin muna ang kaniyang ama sa kaniya pero sinabi parin nito ang totoo. Amory bit his tongue with shame. Gagi kala pa naman ng mga ito good boy siya, siya rin kasi ang paboritong apo dahil lumaki siya sa puder ng mga ito.
"Opo papá pero nalaman ko lang rin noong huling luwas namin sa Maynila, ganiyan din at naabutan namin sila sa loob ng kuwarto."
Sa sinabi ng daddy niya mukhang mas lalong nagalit ang matanda. Ihahampas sana nito ang tungkod na hawak sa kaniya pero agad namang naharang ni Sebastian ng kaniyang kamay.
"Seb!" Nag-aalalang hinawakan niya ang natamaang parte ng kamay nito. Bakit ba kasi nito hinarang ang hampas? Kaya niya naman dahil matibay ang katawan niya mula sa training sa sports na nilalaro. Hindi siya nito kailangang ingatan ng ganun dahil kaya niya. Nasaktan pa tuloy ito.
"Huwag kang makealam dito hijo. Hindi ka parte ng pamilya kaya wala akong karapatang disiplinahin ka ngunit si Amory ay aking apo kaya nararapat lang na ituwid ko ang landas na tinatahak niya."
"Papá..." Nag-aalalang nilapitan ng mga magulang niya ang kaniyang lolo dahil parang nahihirapan na itong huminga at parang nahigh-blood na nga.
Napatingin naman si Amory sa kaniyang abuela. Tahimik lang itong nagmamasid, Amory with pleading eyes looked at his grandmother. Asking for her to rescue him, hindi niya alam kung gagana ang pagsusumamo niya sa kaniyang lola but he still tried.
Amory also tugged at Sebastian's shirt, hindi niya alam kung anong gusto niya gawin nito pero sobrang pagpapanic an ang nararamdaman niya dahil sa itsura ng kaniyang lolo.
Maiksing katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat bago iyon naputol nang magsalita ang kaniyang lola.
"Mahal mo ba Amory?" Tanong ng kaniyang lola na agad niya namang tinanguan.
Hindi na ito nagtanong ng iba pang katanungan na para bang sagot sa lahat ang pagtango ng apo nito, at hinarap ang asawang pinapakalma parin ng mga magulang ni Amory.
"Tumigil ka nga sa kaartehan mo Wilfredo! Nasa tamang edad na ang mga bata at dapat may kalayaan na silang gawin ang gusto nila."
Pasimpleng napangiti si Amory sa sinabi ng abuela. Mula pagkabata walang ginawa ang kaniyang lola kung hindi sundin ang gusto at luho niya. Akala niya ay hindi siya nito ngayon kakampihan pero mukhang siya parin ang paboritong apo.
"Kaya naging ganiyan ang batang yan Adela dahil lagi mong kinukunsinti!" Galit na sabi nito sa kaniyang lola pero nang lapitan ito ng matandang babae at batukan ay natahimik ito.
"Bente-uno na ang batang iyan! Hayaan niyo siya sa gusto niya o ako ang makakalaban niyo!” Nakapameywang na harap nito sa matandang lalaki. "Atsaka anong mali sa pagmamahalan nila? Kapag sinabi ni Amory na mahal niya ang tao wala na dapat kayong gawin kung hindi hayaan siya."
Tama yan lola.
"Pareho silang lalaki—" Hindi nito natuloy ang sasabihin nang kutusan ito ng kaniyang lola.
"Tumanda ka nalang sa mundong ito ang kitid parin ng utak mo! Wala ka bang natunan sa buhay?" Ibinaling nito ang atensiyon sa kaniya. "Tumayo kayo diyan, hindi Diyos ang lalaking ito para luhuran niyo." Napatingin muna si Amory sa kaniyang lolo at nang makita niyang nakatingin ito ng masama sa kanila ay inilingan niya ang kaniyang lola.
BINABASA MO ANG
BL: AIMING FOR YOUR HEART
Narrativa generaleSebastian Mikhail Astor was one hell of a guy. Girls would kneel and beg for his attention. He was tall and masculine, ruggedly handsome, intelligent, and immensely wealthy-the kind of rich you see on TV, with a huge mansion, countless assets, and a...