Chapter Seven

1.3K 72 3
                                    

Simula ng tagpo nila sa Penthouse naging feeling close na sa kaniya si Craig. Whenever it was his breaktime lagi itong nakabuntot sa kaniya.

When he woke up the morning after their drunk escapade in the Penthouse wala na si Sebastian and only Craig was there. Ang kapal pa ng mukha nitong magpahatid sa kaniya pauwi at gawin siyang driver.

At this moment, Rain is looking weirdly at the both of them. Bumuntot kasi ang binata sa kaniya nang ayain siya ni Rain sa isang coffee shop malapit lang sa University nila. Taga ibang University kasi ito.

Rain look timid and uncomfortable around Craig kaya siniko niya ang katabing wala pakealam at nagphophone lang.

"What?" Craig mouthed.

"Bakit ka ba sumama hindi ka naman kilala ni Rain." Tumingin ito saglit kay Rain.

Then he greeted his friend like a robot. "Hi my name is Craig. Nice to meet you." at bumalik na ulit sa pagseselpon.

Mas lalong naging uncomfortable si Rain sa naging bati nito.

"Sorry par. I don't know what's with this guy at laging nakabuntot sa akin." Rain just timidly nodded. Alam niya kung ano ang iniisip nito.

Craig was there when those men bullied him at the bar. Pero parang hindi naman ito naaalala ng katabi niya. Hindi man ito nakasali sa gulo he was still a spectator at wala itong ginawa para makatulong.

He looked at Rain apologetically, his friend gave him a timid smile in return.

"What the hell Craig. We were looking for you!" Napalingon sila nang may tumawag sa katabi niya. It was Donatello with some other company. He looks at the guy beside Donatello and it was Alex—Rain's ex-boyfriend na dineny ito noon.

Kumunot ang noo niya at napatingin kay Rain. His friend looks so uncomfortable at hindi na ito makatingin sa kanila. He was fidgeting and was only looking at the coffee infront of him.

Napadaretso siya ng upo. Pag may ginawang katarantaduhan ang Alex na to talagang babangasan niya.

"Oh you're with... you are Amory right?" Alala ni Donatello sa pangalan niya bago lumipat ang tingin nito kay Rain.

Hindi siya sumagot bagkus ay mas naging wary siya sa susunod na sasabihin nito.

"Oh hi Rain! You're Rain right? I know you!" Halos mawala na ang mata nito sa pagngiti sa kaibigan niya.

Inangat nang kaibigan niya ang panangin nito saglit at ngumiti sa bumating binata pero agad din naming ibinalik ang paningin sa kape sa harapan nito.

Napabuntong-hininga siya. Why the hell are they here.

"That's a really unexpected set of companies, Craig." Biglang sumabat naman si Alex habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.

What an asshole.

"Why are you looking for me?" Instead of reacting to what Alex had said, bumaling ito kay Donatello para magtanong.

"Bettina was looking for you. Mukhang magpapasama sa pagbili ng regalo para sa birthday ng kuya mo." Sabi ni Donatello.

He doesn't know who Bettina is but she looks like an important person to them dahil agad na tumayo si Craig at nagtipa sa cellphone nito.

Nagpaalam ito sa kaniya habang sina Donatello naman ay naupo na sa ibang table at mukhang may hinihintay pang ibang tao. Agad nilang inayos ang mga dala nilang gamit para makaalis na roon dahil baka kung sino pa ang makita nila sa coffee shop pag nagtagal sila roon.

He tapped Rain on the shoulder at inaya nalang itong kumain sa malapit na fast food chain.

One month had pass now since the bet they had at the club. Ibig sabihin talo siya sa pustahan. Walang Sebastian na nahumaling sa kaniya within the one-month duration of the bet.

BL: AIMING FOR YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon