Chapter Eight

2K 83 8
                                        

'Mambabae tayo.' Yan ang bungad ni Mico sa group chat nila. It was four in the afternoon at katatapos lang ng huling klase niya. He was walking towards the College of Science exit at inopen niya nga ang messenger niya para tingnan kung may nagmessage sa kaniya pero ang mensahe nga nito sa group chat ang unang bumungad sa kaniya.

Nagreact siya ng laughing emoji pero hindi na nagreply. Nang walang magreply rito ay minention sila nito ni Rain.

'Ano na par Amory at Rain? Seen nalang tayo?' mensahe ni Mico.

'Sorry par lalaki gusto ko ngayon.' He finally replied with a crying emoji.

'Di ka naman gusto eh. Hanap nalang tayo ng babae.' He reacted mad at Mico's message.

'Ikaw Rain seen ka nalang? Patunayan mo ngayon angas mo at mambabae tayo.' Sunod na mensahe ni Mico.

'Sige nalang.' Reply lang ni Rain na nagpatawa sa kaniya.

'Si Ismael ayain mo dahil parang kayo lang dalawa ang straight dito.' Nag angry react naman si Ismael sa sinabi niya.

'Ganda ng langit noh Amory? Ge akyat ka na.' reply ni Ismael sa kaniya.

Natawa siya dahil inaasar niya lang naman ito at alam niya namang loyal ito sa nobya.

'Magpapagupit muna ako, send nalang kayo ng location ng gala. Anong magandang gupit?' tanong niya sa gc nila. Medyo naiirita na kasi siya sa mahabang bangs niya.

'Capcut.' Reply naman ni Mico na nag haha naman ang mga kaibigan niya.

'Gago mo Mico.' Sagot niya

'Magpakulay ka na rin ng buhok Amory bagay sayo yung ash gray.' Ani Rain.

'Wag na par, kulayan ko nalang buhay niya.' Nagmad emoji ang mga ito sa mensahe niya. Si Mico naman ay sumusukang emoji ang ginamit na tinawanan niya lang.

Ipinasok na niya sa bulsa ang kaniyang phone at nagcommute na papunta sa pinakamalapit na pagupitan sa school nila.

He decided na gumaya sa mga usong gupit ngayon. Yung faded yung buhok niya sa gilid at sa liko tapos pinatanggal niya rin ang buhok na humaharang sa mata niya. Faded taper ata ang pangalan ng gupit.

Napangiti siya sa harap ng salamin he looks fresh.

Napagdesisyunan nilang sa malapit nalang na local pub magkita. Hindi ito ang unang beses na duon ang hang out spot nila at before naging maganda ang experiences nila sa pub na yun. The ambiance, music, food, and drinks are all good.

"Ano tong nabalitaan kong close na daw kayo nung Montejar?" Tanong ni Ismael na ang tinutukoy ay si Craig.

"Grabe Amory, pinagpalit mo na kami? Di ba hindi natin bati mga yun?" Sabat ni Mico hindi pa man siya nakakasagot sa tanong ni Ismael. Dramatic pa itong napahawak sa dibdib.

"Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero he is not as bad as you think." Hindi lang talaga magaling mag open up ng sarili si Craig sa ibang tao. He is very snobbish towards newly met people.

"Ge. Sanay na naman akong pinagpapalit." Tinawanan lang nila si Mico.

"By the way, about sa nangyari sayo sa bar Rain, are you okay with it now?" Baling niya kay Rain.

Nagkibit balikat lang ito pero namungay ang mga mata nang maalala siguro ang napagdaanan nito.

"I think we should do something about it kung hindi, those people will think it's okay act that way." Ani Ismael.

"Pano? Kasuhan ba natin?" tanong ni Mico.

"We saw Alex at the café once kasama siya nung Donatello. Grabe the jackass was so fucking thick on the face. Kapal ata ng bulbol nun sa katawan at hindi tinatablan ng hiya. He acts as if hindi naging sila ni Rain."

BL: AIMING FOR YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon