Chapter Twenty-eight

1.1K 52 8
                                    

Summer came at umuwi si Bettina galing Europe. Nagulat nalang siya sinusundo na siya nito sa bahay nila.

"What are you doing here?" nagugulat na tanong niya pagkalabas niya sa gate ng bahay nila. Kabasa niya kasi ng text na susunduin siya ng mga ito ay narinig niya kaagad ang busina.

Bettina's with Craig's brother and Atlas na kaibigan din ng mga ito. Atlas was the one na nakaalitan dati ni Mico.

"Wala man lang hi, hello, at I miss you sa akin?" Bettina said while smiling, hindi ito lumabas ng sasakyan, instead ay binuksan lang ang pinto ng van.

"I miss you? Sa chat lang naman tayo close. Sige uwi ka muna chat nalang kita ng I miss you." He said in a serious face pero siyempre nagbibiro lang siya.

Bettina rolled her eyes at him. "Excited pa naman akong makita ka ulit! I have pasalubongs!" Excited nitong itinuro ang tatlong paper bags sa katabi nitong upuan.

"Oh sige may pasalubong pala, I miss you. Pasok kayo?"Aya niya sa mga ito dahil sobrang init sa labas.

"No. Ikaw ang pumasok sa van! We're going for a summer trip!" Bettina is squelling as usual.

"Ha?" Parang hindi agad gumana ang utak niya. Hindi siya informed.

"May summer job ako sa probinsiya, nakaplano akong umuwi doon." He said in a matter of fact tone.

Agad na nalungkot si Bettina. "What? But I told you I was going home! Bakit ka uuwi ng probinsiya? Papaano tayo magkikita?" Bettina pouted at him.

"May attachment issue ka ba? This is only the second time that we have met personally. Sa chat nga lang tayo close! Atsaka you didn't inform me beforehand." Binibiro niya lang ito, sasama naman talaga siya dahil may dala pa itong pasalubong sa kaniya nakakahiya naman. Pero imomove niya muna ang pag-uwi sa probinsiya.

Panahon kasi ng anihan at tutulong sana siya sa pag-aani sa farm ng lolo't lola niya.

Hindi na maipinta ang mukha ni Bettina at sinasamaan narin siya ng tingin ng kuya ni Craig kaya binawi na niya ang biro.

"Joke tara! San ba? Pasok muna kayo, I will just get some things."

Si Bettina lang ang pumasok at ang ibang kasama nito ay naiwan sa sasakyan.

"Asan ang mom mo? Kailangan mo pa bang magpaalam?" Tanong nito pagkapasok nila ng bahay.

"Yeah. Kahit maging sixty years old na ako kailangan ko pa daw magpaalam eh. San ba tayo atsaka hanggang kailan?" Inabutan niya ito ng isang bottled water at bottled softdrinks na nilapag niya lang sa lamesita sa sala, he also opened a box of cookies na binili niya sa malapit na pastry shop kanina.

"Asa probinsiya sila, pero payag yun uuwi naman kasi ako sa province." Sabi niya at umupo muna sa tabi nito dahil hindi pa nito sinasagot ang tanong niya. Busy pa ito sa pagkain ng cookies. Amory knew that Bettina has sweet tooth kaya matamis ang inilapag niya dito. Marami na kasi silang napag-usapan sa chat at sa calls kaya parang kahit hindi sila masyadong nagkikita naging close sila.

Invested pa ito sa relasyon niya kay Sebastian at palaging kailangan ikuwento niya pag inaaway siya nito. May inereto pa ito sa kaniyang Italian na classmate nito at tawang tawa lang siya dahil mapilit talaga ito kabit straight naman daw yung kaklase nito.

She was hating on Sebastian at maghanap nalang daw siya ng iba. Bakit daw hindi pa sila officially hanggang ngayon?

" We own a resort just two hours drive from here mag stay tayo doon ng minimum three days. At may ipapakilala ako!" Bettina excitedly said. Hindi nagustuhan ni Amory ang ngiti at ang pilyang kislap sa mata nito.

BL: AIMING FOR YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon