34

272 7 1
                                    

ARA'S POV

Naghintay ako sa waiting shed sa bandang labas ng language center. Dumaraan kasi ang mga sasakyan dito. Habang naghihintay ay pinaghahandaan ko na ang sasabihin ko sa kanya. Wala akong maisip.

"Hop in."

Napaigtad ako sa boses na iyon. Malamig. I saw Harlan's face which was devoid of any emotion. Di pamilyar ang sasakyang sinasakyan nito. Bago?

"Hurry up." iritadong sabi nito. Nagulat naman ako. Nawili pala ako sa kakatitig lang sa sasakyan niya. Sorry naman.

Bubuksan ko na ang pinto ng bandang likod ng sasakyan nang magsalita na naman ito.

"At gagawin mo pa akong driver?"

Napamaang ako. Ang suplado naman nito. Ay, suplado naman talaga ito. Oo, alam kong may nagawa ako kanina na marahil nga ikinakagalit nito ngayon. Ayoko lang ng ganito. Ang lamig-lamig ng pakikitungo niya sa akin.

Lumigid ako sa passengers side sa harap. Pinipigil ko lang ang sarili na maiyak. Walang imik lang akong pumasok at naupo. Hindi rin naman siya nakatingin sa akin. Grabe.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang tamang ikikilos. Dati kapag sinusundo niya ako, ang saya ng aura sa loob ng sasakyan. Ngayon, hindi ko maintindihan.

Wala pa rin kaming imikan habang nagbabiyahe. Nakafocus lang ang atensyon nito sa pagmamaneho. Alam kong likas na tahimik ito kaya ok lang na di ito magsalita ng matagal. Pero ako, parang kumakati na ang dila kaya nagpasya akong basagin ang katahimikan.

"Sorry. "sabi ko. Di pa rin umimik. Nagpatuloy na lang ako. "Sorry naman. I have to-------"

Sa gulat ko ay itinabi nito bigla ang sasakyan. In a swift motion, he grabbed my head and kissed me savagely. What's happening to him?

"Did you kiss Marcus this way for him to say that you're a damn good kisser huh?"he said angrily in between kisses.

Pinipilit kong makawala dahil nasasaktan ako sa paraan ng paghalik niya. At ano ang pinagsasabi nito?

"Harlan please. Nasasaktan ako."daing ko habang pilit na kumakawala sa kanya.May nalalasahan na rin akong dugo. And that's the time when he stopped. Pinakawalan niya ako. Napamura ito na hindi ko nanaising malaman niyo pa kung ano. I winced 'cause I'm not hearing that word from him.

"I'm sorry Barbz. Nadala lang ako ng emosyon."he said apologetically. Nagtaka itong hawakan ang kamay ko ngunit umiwas ako. Actually, bigla akong natakot sa ginawa niya. Hindi ko lang talaga inasahan ang inakto niya. That was new to me.

"Explain what you said earlier. What about Marcus saying that I am a damn good kisser? "seryosong sabi ko.'

"He called me an hour after you pulled him away and said that. Naiwan akong parang tanga dun Barbz. Tapos, 'yon ang malalaman ko?"anito na may pagtitimpi. He was in rage and I knew why. Oo, alam kong iniwan ko siyang parang tanga dun. Understandable na magagalit siya. Pero may mali sa mga sinabi niya. Hinalikan ko ba si Marcus para sabihing "good kisser" ako? Hindi! Di lang pala masama ang lalaking iyon. Gagawa-gawa pa ng kuwento. Magsulat na kaya siya Wattpad para masaya?

"I'm sorry----"pagsisimula ko ngunit agad na namang nagsalita si Harlan.

"So you did kiss Marcus?!"he said and I wanted to smack him. Nah, that would be violent. Iba ang parusang gagawin ko sa kanya mamaya dahil sa kawalan niya ng tiwala sa akin. Did he really think I will kiss Marcus?!

"Ano ka ba ha?!Di mo ako pinapatapos eh! Nagsosorry ako sa pag-iwan ko sa'yo kanina. Hindi dahil diyan. And I won't apologize for that because I didn't kiss him! So don't be jealous! "I hissed at him. Mangiyak-ngiyak. Sorry naman. Nakakainis lang kasi. Hingal na hingal pa ako dahil sa pagkahaba ng sinabi ko kaya awat muna.

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon