(Ara's POV)
Nanuyo ang lalumunan ko sa sinabi niya.
Paano nito nalaman ang nararamdaman ko sa kanya?Ganoon ba ako ka transparent sa paningin niya?
Bigla akong tumawa. But even my laughter sounded fake to me. Siya naman ay nanatili lang nakatingin sa akin.
"Ano bang mga pinagsasabi mo?Nakakatawa. Pramis!"natatawang sabi ko para mapagtakpan ang aking tunay na nadarama."How could you say-------"
Ngunit bigla na lang naputol ang pagsasalita ko dahil hinalikan na lang ako bigla ni Harlan. Dapat nagprotesta ako ngunit hindi ko magawang kumilos.Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang aking sarili na napapikit at dinadama ang sensasyon ng halik niya. And worst, tumugon pa! I realized I missed being kissed by Harlan. But suddenly, ang imahe ng mukha ni Bridgette ay lumitaw sa aking isip. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Itinulak ko si Harlan. How could he kiss me like that if he has a girlfriend? Nakalimutan din ba nito na may "boyfriend" ako?
At ako naman itong si tanga, bakit hindi ko siya pinigilan?
"You're impossible!May girlfriend kang tao. Nakalimutan mo?!"I hissed at him. Mas naiinis ako sa sarili ko. Basta. Nakakainis. Pinipigilan ko ang sarili na maiyak. Ngunit tukso namang nagsitulo ang mapanlinlang na mga luha ko.
"Mahal mo pa rin ako. " sa halip ay sabi nito.
"Oo, mahal pa rin kita!"ngali-ngaling isigaw ko,pero nunca kong aaminin!
"You responded with my kiss..."pagpapatuloy nito. "Dahil do'n alam kong mahal mo ako."
Natigilan ako sa sinabi niya. So hinalikan niya lang ako para mapatunayan na mahal ko pa rin siya? Batayan na pala ang halik para malaman ang tunay na nadarama ng isang tao?
"Ay day, in your case, batayan talaga. You responded to his kiss. Madamdamin pa. Kaya, ayan! Naramdaman niya."anang isip ko sa huling tanong ko.
Gusto kong manlumo. Nakakahiya. Ngayon napagtanto ko ang epekto ng pagganti ko ng halik sa kanya. I must be so red right now even if I won't look at myself at the mirror.
Kahit ganito ang lagay ko ngayon, hindi ako aamin. Magkamatayan na. Oh yeah, I knew it was my pride and my ego talking. But I won't admit it. Kapag aaamin ako?Anong mangyayari? Magiging kawawa ako. At tsaka lalabas na ginawa ko lang panakip butas si Yuan.
I raised my chin. Sinalubong ang mga mata niya. "Grabe. Feeler lang? Pinagbabasehan na pala ang halik? Di ba puwedeng tumugon lang ako dahil nadala ako? Nami-miss ko kasi si Yuan at ang mga halik niya."
Biglang dumilim ang mukha nito. Buti nga. Hah! Pero, bakit ganyan mukha niya? Selos kay Yuan? Ay hindi. Nasaktan lang ang ego niya. Kinontra ko kasi sinabi niya. Hindi ko aaaminin na tama ang sinabi niya. Sa'n niya nakuha ang ideyang mahal ko pa siya? May nagsabi ba? Si Ivo kaya? Pero wala naman akong inamin sa kapatid ko ah.
Maya-maya ay napabuntung-hininga ito. " You're hopeless. Do you think you will be happy doing that? Ang hindi pagsabi sa totoong nararamdaman ay pagpaparusa sa sarili!"
Yeah right. Totoo sinabi niya. Pero gugustuhin kong parusahan ang aking sarili kesa maging kawawa sa paningin niya. May kasintahan siya. Ako, kapag inamin kong mahal pa rin siya, lalabas na sinungaling ako at maging katatawanan si Yuan dahil nagpagamit siya sa akin.
Napapalatak ako. "Dinala mo ba ako rito para sermunan? Akala ko ba mag-uusap tayo para linawin ang mga bagay-bagay at nangyari noon?Tsaka, P paano ka nakakasigurado sa mga sinasabi mo? Manghuhula ka ba?"
"Iyon naman talaga ang pakay ko kung ba't dinala kita rito. At magsisimula iyon sa pag-amin ng tunay na nararamdaman mo."
Ha? Anong mga pinagsasabi nito? So hindi kami magkakalinawan kung di ako aamin?
"Eh, wala naman palang kuwenta ang pagpunta ko rito dahil di ako aaamin. Wala naman akong aaaminin."pagsisinungaling ko. Harinawa! Ang dami ko nang kasinungaling hinahabi. Patawarin sana ako.
Napailing ito. "I know, may aaminin ka."
Napabuga ako ng hangin. Ang kulit! Shocks!Gusto ko nang umalis. Pero paano?
"I wanna go home. Wala naman pala tayong pag-uusapan dahil sabi mo may aaminin ako. Kahit, wala naman."sabi ko. Walang akong aaminin dahil di ako aamin na mahal ko pa rin siya.
"I don't believe you. You're lying. Kung may isang bagay man na di ka magaling, ang pagsisinungaling iyon."
Sa loob-loob ay sumasang-ayon ako sa kanya. Pero, ayokong ipaalam sa kanya na tama siya.
"Alam mo, nakakainis ka. 'Wag mong gamitin ang pagkapulitiko mo sa akin dahil di naman iyon uubra. Hindi ako aamin dahil wala akong aaminin. Ok? Now, let's go home. Wala naman talaga tayong pag-uusapan rito.Dumidilim na."sabi ko at tinalikuran siya. Nagsimula nang maglakad palayo rito. And I've seen na medyo dumilim pala dahil sa ulap. Diyata't uulan pa?
"Kung hindi mo ako mahal, bakit di mo ako matawag-tawag sa pangalan ko? Mahirap ba talagang umamin ng totoong nararamdaman?"anitong nakasunod sa akin.
Natigil ako paglalakad. Hindi ko pa ba siya natatawag sa pangalan niya?Whatever.Hinarap ko siya. "Harlan. O ayan na, ano pa bang gusto mo?Ginagawa mong komplikado ang lahat.Akala ko ba masaya na kayo ni Bridgette? Bakit pinipilit mo pa akong umamin? What will it do to you?"
Yeah...we're happy----"
Pinutol ko ang pagsasalita niya. "Blast you Harlan!Paano kung sasabihin ko palang mahal pa rin kita?Anong gagawin mo? Hihiwalayan si Bridgette?"
Bakit mahalaga rito na malaman kung mahal ko pa rin siya? Bakit?Mahal niya pa rin ba ako?Nah...Sa kanya na rin nanggaling na masaya sila ni Bridgette.
Natahimik ito. See?
Tinalikuran ko siya.
Tumalikod ako at naglakad uli.
"MAHAL PA RIN KITA ARA!"
Natigilan ako. Ano 'yong sinabi niya? At tukso namang bumuhos ang ulan. Ano 'to?Dramatic effect lang?
But seriously, hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ko. Matutuwa ba ako?Ano?Hindi ba ako nabibingi lang? O naghahallucinate? Anong sasabihin ko?
Hinarap ko siya. Pero malayo kami sa isa't isa. Hindi ako lumapit. Hinayaan kong mabasa ako ng ulan. Dinadama ang lamig na dulot nito.Siya ay nanatili lang din sa kanyang kinatatayuan. Basang-basa.
"Nagbibiro ka ba?!"tanong ko sa kanya. Pasigaw dahil malakas ang ulan.
"Ano sa tingin mo?!"sigaw nito.
I gritted my teeth with what he said. Idagdag pa ang ginaw ng ulan.Tanungin ba naman ako?Ako nga ang nagtatanong eh.
Tinalikuran ko siya. For sure, nagbibiro lang 'yan. Sinabi lang na mahal ako para umamin ako. Gano'n naman talaga eh. Siguradong-sigurado talaga ito na mahal ko siya kaya gagawin nito ang lahat para umamin ako. Pagkatapos ano? Lalaki ulo niya dahil tama ito? Pagtawanan kami ni Yuan dahil nagpanggap pa kami?Hah!
"Ara!"tawag nito ngunit patuloy lang ako sa mabilis na paglakad.
Bigla na lang akong napahinto nang may humigit sa braso ko. At ngayon, nasa harap ko na si Harlan.
" Do I look like I'm joking?"anito. Seriousness is written on his handsome wet face. Tumutulo ang tubig-ulan mula sa buhok nito patungo sa kanyang pisngi. Ok. Ang guwapo niya. At kailangan ko nang rendahan ang nagwawala kong puso. So, ano?Maniniwala ako?Mukhang hindi naman siya nagjo-joke.
Napalunok ako. "Hindi ako naniniwala sa'yo..."
He smiled sheepishly. "Let's see then..." anito at walang babalang hinagkan ako.
*********************************
Bitinin ko muna. And then, binago ko ang title. Basta, I suck in creating title kaya ayan, pabago-bago. hahaha. Baliw ako. Pasensya na. Salamat nga pala sa lahat ng nagbabasa nito.Love you all! :) <3
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...