(Ara's POV)
"Yuan."simpleng sagot nito.
Bumukas sara ang bibig ko pero walang salitang lumabas. Si Yuan? Of all people!Paano?Di ko alam kung ano ang mararamdaman para sa kanya. Magagalit? Matutuwa at magpasalamat?Argh.
"Bakit? Nagkausap ba kayo?"
"Hindi. But he sent me a text message. Nabasa ko na lang iyon nung time na nagbabiyahe tayo papunta rito. Nasa silent mode ang mobile ko na nasa aking bulsa. Ilang missed calls ang galing sa kanya. They were received nang time na papunta kami ni Bridgette sa airport. I haven't checked my phone. Kanina lang. Siguro 'yon, nagtext na lang dahil di ko nasagot mga tawag niya."
"I didn't know where he got my number though."
Napasimangot ako. Traidor na Yuan yun ah! Malamang, kay nanay siya humingi ng number ni Harlan.
"Anong tinext niya? Puwedeng patingin?"
"I haven't bring my mobile phone with me but I won't show it to you. Sa amin na lang ni Yuan iyon. But he asked me in there if I still love you like you do. At kung talaga bang kami ni Bridgette. Kapag mahal pa rin daw kita, kailangan kitang balikan. Kung hindi, gagawin niya ang lahat para totohanin ang pagpapanggap ninyo at paibigin ka."anito. Walang hiyang half breed na lalaking iyon. Siya ba naman mismo ang nagbuking ng pagpapanggap namin? Kaya pala may patanong-tanong pa ito na what if magkabalikan kami ni Harlan. Pero siguro dapat magpasalamat din ako kasi dahil sa ginawa niya, nalaman kong mahal pa rin ako ng lalaking iniirog ko.
"O tapos?" I urged. Gusto kong dugtungan niya. Kinikilig na ako dito na ewan.
He stared deeply into my eyes. Nalulunod ako! Help! Pero sige lang, si Harlan naman 'to.
"Nang mabasa ko iyon ay tila nabunutan ako ng tinik. Noong una ay malaki ang tiwala ko na mahal mo pa rin ako. Umiyak ka noon kahit ikinaila mo. I could see the anger in your eyes but I could see the longing and love too. Nawala ang paniniwalang iyon ng ipinakilala mo si Yuan sa akin. Akala ko kayo talaga. Para akong binagsakan ng langit at lupa nang panahong iyon. You know, I never stopped loving you, not even a second. "
Gusto kong tumili. The line " You know, I never stopped loving you, not even a second. " kept on playing in my mind. It gave me electrifying jolts making me shiver. Idagdag pa na hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Pinigil ko ang kilig na nadarama at itinuon ang pansin sa mga sinasabi niya.
"Kaya naman sinabi ko na gusto kong magkaroon ng closure ang nangyari sa atin. Until nabasa ko ang mga text messages ni Yuan. No matter how happy I was, I controlled myself. Pretended that all I want from you was friendship. Pinigil ko na kompirmahin mula sa'yo ang tungkol sa nararamdaman mo sa akin ngunit di ko magawa.Ayoko rin sana munang sabihin na mahal pa rin kita dahil masyadong komplikado pa ngunit di ko napigilan at nasabi nga. I want you to remember this Barbz, mahal kita at ikaw lang talaga."
I was speechless. Tongue-tied. For me, that was the best speech or "whatever you call it" I've heard. Kasi, para sa akin 'yon na naglalaman ng madamdaming pagpapahayag ni Harlan sa nararamdaman niya sa akin. As he said, he never stopped loving me. It overwhelmed my heart. Gaano ba ako kaganda para mahalin ng isang tulad nito?
Naramdaman ko na lang na nagsitulo mga luha ko. Hindi ko alam na nakakapagpaluha din pala ang labis na kaligayahan.
Napailing ito. A half smile was painted on his lips. Inabot niya ang mukha ko. He wiped my tears using his thumb. " Such a crybaby. Hindi pa nga ako tapos sa pagsasalita, pinatulo mo na gripo mo."
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...