3

1.3K 31 2
                                    

(Ara's POV)

Hindi pa naman ako nakita ni nanay eh.Yes.Tama.Aalis muna ako.Duwag na kung duwag pero di pa talaga ako ready na makita ang ex kong 'yan.Grabe.Nakalimutan ko lahat ng prinaktis ko kung sakali mang magtagpo kami uli.

Tatalikod na sana ako ng tinawag ako ni nanay.

"Oh ara..andiyan ka na pala eh.Halika,andito si Vice Mayor. Si Harlan."

Patay na!Dead as in dead na me!Kill me now.0_0

Wala na ata akong magagawa.Kailangan ko 'tong harapin with zeal and fervor!Aja!Fighting!

Kumukulo lang kasi talaga dugo ko dahil sa ginawa niya noon.Pinagmukha niya akong tanga.Sa ganda kong 'to???

Hai..whatever...ang tagal na no'n.Nakapagmove-on na ako?Ay ba't patanong?Ah basta..wala akong ibang nararamdamang iba kundi pagkamuhi sa kanya.Walang formal closure ang paghihiwalay namin.Hindi ko siya binigyang pagkakataong magpaliwanag kahit anong pabalik-balik niya rito noon sa bahay.There was no use expalaining.Sapat na ang nakita ko.To see is to believe.Kahit saang anggulo tingnan,panloloko ang ginawa niya.Pinaglaruan niya ako.Pinagmukhang tanga na ako lang ang girlfriend niya.Oh di ba ang saklap?

Pero inaamin ko.Siya pa rin ang pinakaguwapong lalaki na nakita ko sa tanang buhay ko.

Humarap uli ako.This time with matching smile na.Yung todo ngiti talaga.^__________^

Plastikan na kung plastikan.Ayoko namang magmukhang affected pa rin sa nangyari sa amin noon.Chill lang ako dapat.Chill lang...

This time nakaharap na si Harlan.Pareho silang nakatayo ni nanay.

 Pinakiramdaman ko pa ang aking sarili baka kasi nalaglag panty ko.

Shocks!

Bakit lalo ata itong gumuwapo?Unfair!Siguro nakapagmove on na talaga siya. Aish..hindi naman siguro nagmove on yan dahil pinaglaruan niya lang  ako.Hindi niya ako minahal.Kaya naman pala may mga times na nagmamadali ito na parang may pupuntahan kung saan.Yun pala ay sa Bridgette na 'yon.Kung titingnan, ako ang third party dahil matagal na itong may relasyon sa babaeng 'yon.Matagal nang nakatakdang magpakasal ang dalawa.Nasa ibang kolehiyo si Bridgette nag-aaral.Kaya matagal bago ko nalaman ang tototo.

Hai.Past is Past..

Pasimpleng dinama ko gilid ng labi ko.Baka naglaway ako.

Just look at his eyes---chinky yet it never affected his masculinity.

His lips are full.So red and luscious looking. Ang sarap halikan!Suwerte ko lang at nahalikan ko na.Aish...ayan na naman ba't ba kasi kapag halik naaalala ko ang nakaraan?PFFFT.

Ang mga mestizong tulad nito ay hindi ko type.Ang gusto ko moreno.Pero bakit naging ex ko ang ugok na  'to na obvious namang maputi?

"Anak?Ok ka lang?"tanong ni nanay.Nasa harap ko na pala siya.Nakakahiya!Nakatulala na pala ako.

Si Harlan ay nananatili pa ring nakatayo sa kinatatayuan niya.

"Ah eh..Oo naman nay.."sabi ko nang makabawi sa pagkabigla.

"Hi Barbz..."ani Harlan.He smiled making my heart jump like when were still together back then.There's longing in his eyes.... or imagination ko lang?

Uy?Barbz pa rin tawag niya?Siya lang kasi tumatawag niyan sa 'kin.

Nagbabalik lang ang nakaraan??

Aish ano ka ba Ara!There's no use to be nostalgic.This guy broke your heart.Dapat galit ka sa kanya at hindi iyang parang lumalambot ka na naman!

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon