39

273 9 1
                                    

Ara's POV

Lakad takbo ang ginawa ako habang umiiyak. Ang pinipigil kong mga emosyon ay nagsilabas ngayon. Ang sakit. Nando'n na sana eh. Magpapakasal na kami. Matutupad na pangarap ko. I would say yes if only we're in a different situation. Pero gayong magulo pa ang lahat, di ako gusto ng daddy niya at nalaman kong buntis si Bridgette? Hindi tama na pumayag na lang ako basta.

Nakarating na ako sa sala nila. Napatigil ako ng may humawak sa braso ko. Yeah. Si Harlan. Alam na alam ko ang pakiramdam kapag siya ang humahawak sa akin.

"Barbz...why? Hindi ba iyon ang pangarap mo? Ang pangarap na--tin?"he said. Medyo pumiyok siya sa huli.

I closed my eyes to shed the tears welling up. Pangarap ko naman talaga 'yon. But this time is not the right time. Hindi sa panahong napakakomplikado pa ang lahat. Ano ang mangyayari pagkatapos kung

Hinarap ko siya. Wala akong pakialam kung ano man ang itsura ko. I know I look awful when I cry.

"Kung pumayag ako kanina, ano ang mangyayari? Makakasal tayo? Tapos ano?Itatago na naman natin na kasal tayo?"

"Sino naman ang nagsabi sa'yo na itatago natin?"tanong nito. Bakit? Hindi ba? Ang alam ng lahat, si Bridgette ang papakasalan niya di ba?

Bumuntung-hininga ito. Looked at me tenderly. " 'Yan ba ang dahilan kung bakit di ka pumayag? Na itatago ko ang kasal natin? I won't do that. Itinago na nga kita bilang kasintahan, itatago pa ba kita bilang asawa ko? Wala na akong pakialam kung ano man ang sasabihin ng mga tao. Wala na akong pakialam kung maapektuhan man nito ang pagtakbo ko bilang mayor. Ayoko nang isipin ang ibang tao. I have to be selfish this time...for my own happiness."

Tumulo na naman ang mga luha ko.As always, he never fails to move me whenever he says something about us. He loves me. I am really sure about that.

"Harlan...I have a news to tell. Maniniwala ka ba kapag sinabi kong magiging ama ka na?"

Nangunot ang noo nito. "I won't. Nothing happened between us. You won't get pregnant. "he said and eyed me. "Nagbibiro ka ba?"

Umiling ako.

"Bridgette is pregnant. Ikaw ang ama."

There, I said it. Ang sakit pala. It should be, "I'm pregnant. Magiging ama ka na." But no. Iba ang sitwasyon.

"What?!"aniya kahit alam kong malinaw naman niyang narinig ang sinabi ko.

"May nangyari sa inyo di ba?"tanong ko sa halip na ulitin ulit ang sinabi ko. Masakit lang kasi.

Tumango ito. "Paanong...?---"

"Bridgette called. Nang pumasok ka kanina sa kuwarto mo, katatapos lang niya tumawag. Akala niya, ikaw ang nakikinig. Di ako nagsalita. Sorry kung pinakialaman ko ang cellphone mo."mangiyak-ngiyak na sabi ko.

He just stood still. Tila dina-digest pa sa isip ang narinig na balita. Then he turned to look at me. Iniiwas ko naman ang aking mga mata. Ayoko lang makita niya na labis akong nasasaktan sa balita. Ngayon, napakakomplikado na ng lahat. Di maisisingit ang hangad naming maikasal sa isa't isa. Now, who can say that love is easy? You love each other yet things will always come in your way to prevent the both of you to be happy.

"Barbz, I'm sorry. "

Tumulo na naman mga luha ko. "Sorry"...that means talagang tanggap niya na buntis si Bridgette at siya talaga ang ama ng dinadala nito. "Sorry" siguro dahil kailangan niyang panagutan niya si Bridgette. I turned to look at him. Uunahan ko na siya sa kung ano pang mga sasabihin niya. Ayokong manggaling mismo sa bibig niya na hihiwalayan niya na ako para pakasalan si Bridgette alang-alang sa bata.

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon