ARA'S POV
Paglingon ko kay Yuri ay nakatigil na siya sa paglalaro. Nakangiti ito.
"Sensei, you wa-were Kuya Harlan's girlfriend?"anito. Imagine his voice like a Japanese speaking English. Yung di pa masyadong marunong.Medyo confused pa siya kung "was" or "were" ba gagamitin para sa subject na "you".
Tumango ako at namilog ang mata niya. Wala naman sigurong masama kung aamin ako sa batang ito.
"Thed I---I can call you Ate?"
"Of course."sagot ko naman ng nakangiti.
"Yehey!"anito at bigla na lang yumakap sa akin. Napangiti ako. Masaya ako na may masaya na kaming dalawa ni Harlan aside sa pamilya ko.
************************
HARLAN'S POV (For the first time, Nagka POV. Yehey!)
"Explain what was that."agad na bungad ni daddy sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa study room. Nakatanaw siya sa bintana. Nakatalikod mula sa pinto.
"Ara is my girl. Ano pa ba ang dapat kong ipaliwanag doon?"
Humarap ito. Hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa konsepto ng "heredity". I inherit his eyes and nose. Pati na rin ang katangkaran nito at pangangatawan. What I inherit from mom were my lips and complexion. I realized I was more like of my dad. Hanggang sa tinahak na landas ay pareho rin----pulitika. Ang kaibahan lang ay mahal niya ito simula pa man samantalang natutuhan ko lang itong mahalin. Dating mayor siya ng lungsod na ito. Nag-end ang term niya dalawang taon pagkatapos kong grumadweyt sa kolehiyo. I was already holding a position at a top company in Manila.Then all of a sudden he urged me to run as a vice mayor. The rest was history. Hindi man lang sumagi dati sa isip ko na magkakaroon ako ng posisyon para mamuno sa lungsod na ito.
Humarap siya. Seryosong-seryoso.
"At ano ang plano mo kay Bridgette kung ganoon?Ditch her?"
"Wala akong plano sa kanya maliban sa gusto kong malaman ng lahat na hindi kami. And I couldn't ditch her dad. Alam mong wala kaming relasyon at nagpapanggap lang. Pumayag akong magpanggap sa suhestiyon niyo hindi dahil takot ako kay Governor na sirain niya ang pangalan ko. Pumayag ako dahil ayokong pakialaman niya ang pamilyang ito. Ayokong may mapahamak kahit isa man sa mga mahal ko sa buhay. "
Natahimik ito. Ngunit maya-maya ay nagsalita rin. "So what are you up to now? What's your plan with that woman? "may himig ng disgusto ang tinig nito. Ayoko ng gano'n.
"Her name is Ara dad. And I'm gonna marry her."
There. I said it. It made him mad based on the reaction that I am seeing right now. But I mean what I said. Noon pa man ay si Ara na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. I couldn't afford to lose her again.
"What's with you?!Akala ko ba may utak ka? That woman couldn't help you stay in politics. You need someone who's powerful and influential. And that is none other than Bridgette."
I controlled myself to say undesirable words. Ama ko pa rin ang kausap ko.
"It's her father who is powerful and influential."sabi ko na lang.
Nagtagis ang mga bagang ni Daddy. "That's pretty much the same thing. Bridgette is his daughter. If you know what I mean."
Napailing ako. "Gustong-gusto mo talaga si Bridgette para sa akin. "
"Tama ka. Kaya di ako papayag na magpakasal ka na lang sa kung sino basta-basta. That woman doesn't belong to our circles."
I gritted my teeth. Di ko alam na may pagkamatapobre pala si Dad. "Yes. I agree with you dad. She doesn't belong to our circles...but she belongs to my heart."
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...